Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita at napoot sa kanila ang sanlibutan, sapagkat hindi sila tagasanlibutan, gaya ko naman na hindi taga-sanlibutan. Hindi ko hinihiling na alisin mo sila sa sanlibutan, kundi ingatan mo sila mula sa masama. Juan 17:14,15 TKK 368.1
May mga tungkuling gagawin sa sanlibutan ang mga Kristiyano, at sila'y ginawa ng Diyos na may pananagutan sa matapat nilang pagsasagawa. Hindi niya ikukulong ang sarili sa pader ng monasteryo, o lalayuan ang lahat ng pakikipag-ugnayan sa sanlibutan. Totoong ilalagay sa matinding pagsubok ang kanyang mga prinsipyo, at siya ay masasaktan ng mga makikita ng kanyang mata at maririnig ng kanyang tenga. Ngunit hindi siya dapat, bagamat maging pamilyar sa mga larawan at tunog na ito, matutong mahalin ito. Sa pamamagitan ng pakikisama sa sanlibutan, tayo ay may nakahilig na makuha ang espiritu ng sanlibutan, at tanggapin ang kanilang kaugalian, panlasa, at mga kagustuhan. Ngunit inutusan tayo, “Kaya nga lumabas kayo sa kanila, at humiwalay kayo, sabi ng Panginoon, at huwag kayong humipo ng anumang bagay na marumi, at kayo'y aking tatanggapin, at ako'y magiging ama sa inyo, at kayo'y magiging aking mga anak na lalaki at babae” (2 Corinto 6:17, 18). TKK 368.2
Huwag hayaang ang sanlibutan ay magsabing ang makasanlibutan at mga tagasunod ni Cristo ay magkatulad sa kanilang panlasa at pinagsisikapan; sapagkat naglagay ang Diyos ng guhit sa pagitan ng kanyang bayan at ng sanlibutan. Ang guhit na ito ng pagkakakilanlan ay malawak at malalim at maliwanag; hindi ito nakahalo sa sanlibutan na hindi ito makikita. “Kilala ng Panginoon ang mga kanya” (2 Timoteo 2:19). “Kaya't makikilala ninyo sila sa kanilang mga bunga” (Mateo 7:20). TKK 368.3
Tanging sa pagbabantay sa pananalangin, at sa pagsasagawa ng buhay na pananampalataya, na maiingatan ng Kristiyano ang kanyang integridad sa kalagitnaan ng tuksong ipinapapasan ni Satanas sa kanya. Ngunit “ang sinumang ipinanganak ng Diyos ay dumadaig sa sanlibutan at ito ang tagumpay na dumadaig sa sanlibutan, ang ating pananampalataya” (1 Juan 5:4). Patuloy na salitain sa iyong puso ang wika ng pananampalataya: “Sinabi ni Jesus na tatanggapin Niya ako, at naniniwala ako sa Kanyang salita. Aking pupurihin Siya; aking luluwalhatiin ang Kanyang pangalan.” Lalapit si Satanas sa iyong tabi upang sabihing hindi ka nakararamdam ng kaligayahan. Sagutin siya, “‘Ito ang tagumpay na dumadaig sa sanlibutan, ang ating pananampalataya.’ Mayroon ako ng lahat ng ikasisiya; sapagkat anak ako ng Diyos. Nagtitiwala ako kay Jesus. Nasa aking puso ang kautusan ng Diyos; wala akong hakbang na dudulas.”—SIGNS of THE TIMES, May 15,1884 . TKK 368.4