Sinabi ng PANGINOON kay Satanas, “Sawayin ka nawa ng PANGINOON, O Satanas! Ang PANGINOON na pumili sa Jerusalem ay sumaway nawa sa iyo! Diba ito'y isang gatong na inagawa sa apoy?”Zacarias 3:2 TKK 367.1
Nagsasalita si Jesus sa Kanyang bayan gaya ng dupong na inagaw sa apoy, at naiintindihan ni Satanas ang ibig sabihin nito. Ang matinding pagdurusa ng Anak ng Diyos sa Getsemani at sa kalbaryo ay naranasan upang Kanyang mailigtas ang Kanyang bayan mula sa kapangyarihan ng isang masama. Ang gawain ni Jesus para sa pagliligtas ng mga mapapahamak na mga kaluluwa ay parang inilagay Niya ang Kanyang kamay sa apoy para iligtas sila. Si Josue, na kumakatawan sa bayan ng Diyos, ay nakasuot ng maruming damit, at nakatayo sa harapan ng anghel; ngunit habang nagsisisi ang mga tao sa harapan ng Diyos para sa pagsalangsang sa Kanyang kutusan, at umaabot pataas sa kamay ng pananampalataya para panghawakan ang katuwiran ni Jesus, sinabi ni Cristo, “Hubarin ninyo ang kanyang marumong kasuotan, at dadamitan kita ng magarang kasuotan” (tingnan ang Zacarias 3:4). TKK 367.2
Ito ay sa pamamagitan ng katuwiran ni Jesus lamang na nabibigayan tayo ng kakayahang sundin ang kautusan. Yang mga sumasamba sa Diyos sa katapatan at katotohanan, at pagkumbabain ang kanilang mga kaluluwa sa harapan Niya kung paano sa dakilang araw ng pagtubos, ay lilinisin ang kanilang mga damit ng karakter at papuputiin sa dugo ng Kordero. Sinisikap ni Satanas na talian ang isipan ng mga tao sa pamamagitan ng pandaraya, upang hindi magsisi at maniwala ang mga tao, upang maalis ang kanilang maruruming damit. Bakit ka manghahawak sa iyong miserableng depekto ng karakter, at sa paggawa nito ay hinahadlangan ang daan, upang hindi makagawa para sa iyo si Jesus? TKK 367.3
Sa panahon ng kaligaligan, ang kalagayan ng bayan ng Diyos ay kagaya sa kalagayan ni Josue. Hindi sila walang alam sa gawaing nangyayari sa langit para sa kanila. Mauunawaan nilang ang kasalanan ay itinatala laban sa kanilang pangalan, ngunit malalaman rin nilang mabubura ang kasalanan ng lahat ng nagsisi at nanghawak sa ginawa ni Cristo. . . . Yaong mga nagpakita ng tunay na pagsisisi sa kasalanan, at sa pamamagitan ng buhay na pananampalataya kay Cristo ay masunurin sa Kanyang mga kautusan, ay mananatili ang kanilang pangalan sa aklat ng buhay, at ipahahayag sila sa harapan ng Ama at sa harapan ng mga anghel. Sasabihin ni Jesus, “Sila ay Akin, Akin silang binili ng sarili kong dugo.”— SIGNS OF THE TIMES, June 2,1890 . TKK 367.4