Di natin maiiwasan ang pagtingin sa mga bagong bagabag sa dumarating na paglalabanan, datapuwa’t makatitingin tayo sa nakaraan at gayon din sa darating at makapagsasabi: “Hanggang dito’y tinulungan tayo ng Panginoon.” “Kung paano ang iyong mga kaarawan ay magkagayon nawa ang iyong la- kas.” Deuteronomio 33:25. Ang pagsubok ay hindi hihigit sa lakas na ibibigay sa atin upang ito’y mabata. Kung gayo’y gawin natin ang ating gawain saan man natin masumpungan ito, at sumampalataya tayong anuman ang dumating, ay bibigyan tayo ng lakas na kasukat ng pagsubok. PK 174.2
At balang araw ay bubuksan ang mga pintuan ng kalangitan upang tanggapin ang mga anak ng Diyos, at mula sa mga labi ng Hari ng kaluwalhatian ay mamumutawi ang pagpapala na aabot sa kanilang mga pakinig, gaya ng pinakamasarap na himig: “Magsiparito kayo, mga pinagpala ng Aking Ama, manahin ninyo ang kahariang nakahanda sa inyo buhat nang itatag ang sanlibutan.” Mateo 25:34. PK 175.1