Ang kabanatang ito ay batay sa Nehemias 6.
Si Sanballat at kanyang mga kasama ay hindi makuhang hayagang makipag-away sa mga Judio; ngunit sa lumalaking kasamaan ay sinikap nilang sa mga lihim na gawain ay panghinaing loob, bagabagin at saktan sila. Ang pader ng Jerusalem ay mabilis na natatapos. Kapag natapos na ito at ang mga pintuang-bayan ay nailagay na, ang mga kaaway na ito ng Israel ay di na makapapasok pa sa siyudad. Kung kayat lalo silang nag-alab na ang gawain ay hadlangan. Sa wakas ay nakaisip sila ng panukalang sa pamamagitan nito ay mailalayo nila si Nehemias mula sa kanyang kalagayan, at habang nasa ilalim ng kanilang kapangyanhan ay patayin ito o kaya ay ibilanggo. PH 527.1
Sa pagpapanggap na nais nilang makipag-ayos, sinikap nilang tumawag ng isang komperensya kay Nehemias, at inanyayahan ito sa isang bayan sa kapatagan ng Ono. Datapuwat sa pagkasi ng Banal na Espiritu, nakita ni Nehemias ang tunay na panukala, siya ay tumanggi. “At ako’y nagsugo ng mga sugo sa kanila,” kanyang sinulat, “na nangagsasabi, Ako’y gumagawa ng dakilang gawain, na anupa’t hindi ako makababa: bakit ititigil ang gawain, habang aking maiiwan, at binababa kayo?” Ngunit ang mga manunukso ay nagpumilit. Apat na beses silang nangagsugo ng ganito ring mensahe, at sinagot ko sila ng ayon sa gayon ding paraan. PH 527.2
Nang hindi sila magtagumpay dito, nakaisip sila ng lalong matapang na pakana. Nagpadala si Sanballat ng isang mensahero kay Nehemias taglay ang bukas na sulat na nagsasabi: “Naibalita sa mga bansang pagano, at sinasabi ni Gasmu, na ikaw at ang mga Judio ay nagaakalang manghimagsik: na siyang kadahilanan ng iyong pagtatayo ng kuta, at ikaw ay magiging kanilang hari.... At ikaw ay maghihirang ng mga propeta na marangal para sa iyo sa Jerusalem, na nagsasabi, May isang hari sa Juda: at ngayon ay dapat ibalita sa hari ayon sa mga salitang ito. Parito ka nga ngayon, at magsanggunian tayo.” Kung ang ulat na nabanggit ay naikalat, nagkaroon sana ng pangamba; sapagkat ito ay madaling makararating sa hari, at sa pinakamaliit na akala ay maaaring kumilos na marahas. Ngunit si Nehemias ay nakatiyak na ang ulat ay huwad, nasulat lamang upang siya ay takutin at dalhin siya sa isang patibong. Ang isipang ito ay lalo pang pinatibay sa dahilang ang sulat ay dumating sa kanya na bukas, upang ito ay mabasa rin ng mga tao, at sila man ay mangamba. PH 527.3
Dagliang tinugon ang liham, “Walang ganyang mga bagay na nagawa na gaya ng iyong sinasabi, kundi iyong mga pinagbubuhat sa iyong sariling puso.” Si Nehemias ay hindi ignorante sa mga pagsisikap ni Satanas upang pahinain ang mga kamay ng gumagawa at sa gayon ay pigilin ang kanilang pagsisikap. PH 528.1
Muli at muli si Satanas ay nagapi; at ngayon, ay may lalong matalino at mapanganib na patibong na naman siya bunga ng lumalalim na muhi para sa lingkod ng Dios. Si Sanballat at mga kasama ay umupa ng mga taong magpapanggap na sila ay mga kaibigan ni Nehemias, upang magbigay sa kanya ng masamang payo bilang salita ng Panginoon. Pangunahin sa mga ito ay si Shemaias, isang lalaking may mataas na pagkakilala ni Nehemias. Ang taong ito ay nagtago sa isang silid sa santuwaryo na parang ang kanyang buhay ay nasa panganib. Ang templo nang panahong iyon ay nasasanggalang ng mga pader at pintuan, ngunit ang pintuang bayan ay di pa naitatayo. Sa pagpapanggap ng malaking malasakit kay Nehemias, si Shemaias ay nagpayong si Nehemias ay magtago sa templo. “Tayo’y magpupulong na magkakasama sa bahay ng Dios, sa loob ng templo,” kanyang iminungkahi, “at ating isara ang mga pinto ng templo: sapagkat sila’y magsisiparito upang patayin ka; oo, sa kinagabiha’y magsisiparito sila upang patayin ka.” PH 528.2
Kung sinunod ni Nehemias ang tusong payong ito, isinakripisyo sana niya ang pananampalataya sa Dios, at sa paningin ng mga tao ay lumabas sana siyang duwag at kalait-lait. Sa harapan ng dakilang gawaing nagampanan na niya, at ang pagtitiwalang inilagak niya sa kapangyarihan ng Dios, magiging lubusang kakatuwa para sa kanya ang magtago sa takot. Ang alarma ay lumaganap sana sa bayan, bawat isa ay nagsikap sanang hanapin ang sariling kapanatagan, at ang siyudad ay naiwang walang sanggalang upang mahulog lamang sa kamay ng mga kaaway. Ang ganitong mangmang na ikikilos ni Nehemias sana ay magiging lubusang pagsuko ng lahat ng kanyang nagampanan na. Agad ay natarok ni Nehemias ang tunay na likas at adhikain ng ganitong payo. “At nahalata ko, at, narito, hindi siya sinugo ng Dios,” kanyang sinabi, “kundi kanyang sinaysay ang propesiyang ito laban sa akin: at inupahan siya ni Tobias at ni Sanballat. Dahil sa bagay na ito inupahan siya, upang ako’y matakot, at gumawa ng gayon, at magkasala, at upang sila’y magkaroon ng dahilan sa isang masamang pinaka hiwatig, upang kanilang madusta ako.” PH 528.3
Ang payong ito ni Shemaias ay inayunan pa ng isang lalaki na may mataas na reputasyon, na samantalang nagpapanggap bilang kaibigan ni Nehemias, ay lihim namang nakikipagsanggunian sa mga kaaway. Ngunit ang gawain nilang ito ay di nagtagumpay. At ang walang takot na sagot ni Nehemias ay: “Tatakas ba ang isang lalakig gaya ko? at sino kaya, na sa paraang gaya ko, ay paroroon sa templo upang iligtas ang kanyang buhay? hindi ako papasok.” PH 529.1
Sa kabila ng mga pakana ng kaaway, lihim man o hayag, ang gawain ng pagtatayo ay nagpatuloy, at wala pang dalawang buwan mula nang dumating si Nehemias sa Jerusalem, ang siyudad ay napalibutan ng mga depensa at ang mga gumagawa ay maaaring lumakad sa mga pader na ito at masdan ang mga nagaping kaaway. “Nang ang lahat naming mga kaaway, na ang lahat ng mga bansa na nangasa palibot namin ay nangatakot,” isinulat ni Nehemias, “nangalumatang mainam: sapagkat kanilang nahalata na ang gawang ito ay gawa ng aming Dios.” PH 529.2
Gavunman, kahit na ang ebidensyang ito ng pangangasiwa ng Panginoon ay di pa rin sapat upang pigilin ang kawalang kasiyahan, rebelyon, at panlilinlang sa mga Israelita. “Ang mga mahal na tao sa Juda ay nangagpadala ng maraming sulat kay Tobias at ang mga sulat ni Tobias ay dumating sa kanila. Sapagkat marami sa Juda na nanganumpa sa kanya, sapagkat siya’y manugang ni Sechanias.” Dito ay makikita ang masamang bunga ng pakikipag-asawa sa mga sumasamba sa mga diyos. Isang pamilya ng Juda ay nakipag-asawahan sa mga kaaway ng Dios, at ang ugnayang ito ay naging patibong. Marami ang sumunod sa halimbawa. Ang mga ito, tulad ng magkahalong karamihang lumabas mula sa Egipto, ay naging dahilan ng palagiang kaguluhan. Hindi sila buong puso sa paggawa; at kapag ang gawain ay nangangailangan ng sakripisyo, handa silang lumabag sa banal na pangako ng pakikipagtulungan at tangkilik. PH 529.3
Ilan sa mga pangunahin sa pagpapanukala laban sa mga Judio, ay Nagpapanggap na may malasakit sa kaligtasan ni Nehemias, ang tusong si Shemais ay humimok sa pinuno na magtago sa templo; ngunit tumanggi si Nehemias. Nagpapanggap ngayon na magkaroon ng pakikipagkaibigan. Ang mga mararangal ng Juda na nasabit sa pakikipag-asawahan sa mga sumasamba sa mga diyos, at lihim na nakikipagsanggunian kay Tobias at sumumpang maglilingkod sa kanya ay ipinakikilala siya ngayon bilang isang lalaking may kakayahan, at malayong isipan, at ang pakikipagkasundo sa kanya ay magiging malaking pakinabang sa mga Judio. Kasabay nito ay ipinagkakanulo nila ang mga panukala at kilos ni Nehemias. Sa ganito’y naging lantad sa mga kaaway ang gawain ng Dios, at pagkakataon ay bumangon upang pagkamalan ang mga salita at gawa ni Nehemias, at hadlangan ang gawain. PH 529.4
Nang ang mga dukha at inaapi ay lumapit kay Nehemias taglay ang kanilang mga hinaing, matapang na ito ay tumayo upang sila ay ipagsanggalang at naakay ang mga gumagawa ng kamalian na alisin ang kahihiyang ito. Ngunit ang otondad na kanyang ginamit upang isanggalang ang mga kababayan ay hindi niya ginamit ngayon upang ipagtanggol ang sarili. Ang mga pagsisikap niya ay sinuklian ng ilan ng kawalang utang na loob at katusuhan, ngunit hindi niya ginamit ang kapangyarihan upang parusahan ang mga taksil na ito. Payapa at hindi makasariling nagpatuloy siya sa paglilingkod sa bayan, hindi bumagal sa pagsisikap o lumamig man sa kanyang interes. PH 530.1
Ang mga pagsalakay ni Satanas ay lagi na lamang laban sa kanilang nagsisikap na pasulungin ang gawain ng Dios. Bagama',t kung minsan ay natitilihan, gayun man ay muling pinag-iibayo ang pagsisikap at gumagamit ng paraang di pa nasusubukan. Ngunit ang paggawa niya sa pamamagitan mlang nagpapanggap na mga kaibigan ng Dios ang higit na dapat katakutan. Ang hayagang pagsalungat kung minsan ay marahas at malupit, ngunit ang panganib nito ay di gaano kaysa mga taong nagpapanggap na naglilingkod sa Dios gayong sa katunayan ay mga lingkod ni Satanas. Ang mga ito ay may kapangyarihang ilagay sa kamay ng mga taong may kaalaman upang ang gawain ng Dios ay hadlangan at ang mga lingkod Niya ay saktan. PH 531.1
Bawat kasangkapang imumungkahi ng prinsipe ng kadiliman ay gagamitm upang himukin ang mga lingkod ng Dios na makipag alyansa sa mga ahensya ni Satanas. Paulit-ulit na pagsisikap ay gagawin upang makuha ang mga ito mula sa kanilang mga tungkulin; ngunit, tulad ni Nehemias, ay dapat silang matatag na tumugong, “Dakilang gawain ang ginagampanan ko, at hindi ako maaaring bumaba.” Ang mga manggagawa ng Dios ay panatag na dapat gumawa, at bayaang ang kanilang mga pagsisikap ang magpawalang bisa sa mga kasinungalingan at masamang haka laban sa kanila. Tulad ng mga nagtatayo ng pader ng Jerusalem dapat silang tumangging mailayo sa kanilang gawain sa pamamagitan ng pananakot o pagtuya o kasinungalingan. Isa mang sandali ay hindi sila dapat maalis sa pagbabantay o pagiging listo, sapagkat ang kaaway ay palagiang sumasalakay. Ngunit kami ay nagsidalangin sa aming Dios, “at naglagay ng bantay laban sa kanila araw at gabi.” Nehemias 4:9. PH 531.2
Habang papalapit ang wakas ng panahon, ang mga tukso ni Satanas ay lalo pang magiging makapangyarihan sa mga manggagawa ng Dios. Gagamitin niya ang mga ahensyang tao upang tuyain at alipustain ang mga “gumagawa ng pader.” Ngunit kung ang mga nagtatayo ay bababa upang harapin ang mga kaaway, ang gawain ay mapipigil. Dapat silang magsikap na talunin ang mga adhikain ng kaaway, ngunit di naman nila dapat bayaang sila ang mahadlangan sa kanilang paggawa. Ang katotohanan ay higit na malakas kaysa kamalian, at ang matuwid ay magtatagumpay sa kamalian. PH 531.3
Di rin naman nila dapat bayaang ang mga kaaway ang maging kaibigan o kasimpatiya, at sa ganito ay akitin silang palayo sa gawain. Siyang walang ingat at ilalantad ang gawain ng Dios sa kahihiyan, o magpapahina ng kamay ng mga kapwa manggagawa, ay naglalagay sa sariling likas ng bahid na hindi madaling maaalis, at naglalagay ng seryosong sagabal sa landas ng kapakinabangan niya sa hinaharap. PH 532.1
“Silang nangagpapabaya sa kautusan ay nagsisipuri sa masama.” Kawikaan 28:4. Kapag silang nakikipagkasundo sa sanlibutan, gayong nag-aangkin ng kadalisayan, ay magmumungkahi ng pakikipagkasundo sa mga lumalaban sa katotohanan, dapat silang katakutan at layuan tulad ng ginawa ni Nehemias. Ang kanilang payo ay amuki ng kaaway ng lahat ng kabutihan. Ito ang salita ng mga mapagsamantala, at dapat labanang matatag ngayon tulad din noon. Anumang impluwensya ang maaaring gumambala sa pananampalataya ng bayan ng Dios sa Kanyang patnubay ng kapangyarihan, ay dapat na labanang matatag. PH 532.2
Sa matatag na pagmamalasakit ni Nehemias sa gawain ng Dios, gayon din ng kanyang matatag na pagsandig sa Dios, nasalig ang pagkabigo ng mga kaaway niya na siya ay akitin sa kanilang kapangyarihan. Ang kaluluwang tamad ay madaling mahulog sa tukso; datapuwat ang buhay na may marangal na adhikain, may nangingibabaw na layunin, ang kasamaan ay di makapasok. Ang pananampalataya ng isang patuloy na lumalago ay hindi nanghihina; sapagkat sa ibabaw, sa ilalim, sa katabi, ay higit na nakikilala niya ang Walang Katapusang Pag-ibig, na gumagawa sa lahat ng bagay upang matupad ang Kanyang mabuting adhikain. Ang mga tunay na lingkod ng Dios ay gagawang may kapasyahan na hindi magkukulang sapagkat ang trono ng biyaya ang lagi nilang inaasahan. PH 532.3
Ang Dios ay naglaan ng lahat ng tulong sa lahat ng kagipitan na hindi mapapantayan ng tao. Ipinagkakaloob Niya ang Banal na Espiritu upang tumulong sa bawat kagipitan, upang palakasin ang ating pag-asa at kasiguruhan, upang tanglawan ang ating mga isipan at dalisayin ang ating mga puso. Nagkakaloob Siya ng mga pagkakataon at nagbubukas ng mga daluyan ng Kanyang paggawa. Kung ang bayan ng Dios ay nagbabantay lamang sa mga katibayan ng Kanyang paglalaan, at handang makipagtulungan sa Kanya, makikita nila ang mga makapangyarihang bunga. PH 532.4