Ito ang rnga bagay na inyong gagawin: Magsalita ng katotohanan ang bawat isa sa inyo sa kanyang kapwa; humatol kayo ng katotohanan at kapayapaan sa inyong mga pintuan. Zacarias 8:16 BN 142.1
Sa lahat ng gumagawang kasama ni Cristo ay sasabihin kong, saanman maaaring makipag-ugnayan sa mga tao sa kanilang tahanan, pagbutihin ninyo ang pagkakataong iyon. Buksan ninyo sa kanila ang mga dakilang katotohanan ng Biblia. Ang inyong tagumpay ay hindi nakasalalay sa inyong kaalaman at mga nagawa kundi sa inyong kakayanang makahanap ng daan patungo sa puso. Sa pamamagitan ng pakikipagkapwa at paglapit sa mga tao, maaari mong maibaling ang agos ng kanilang mga pag-iisip nang higit pa sa magagawa ng pinakamahusay na pananalita. BN 142.2
Isama mo ang mga maniningil ng buwis at hilingan mo silang bumasa. Kapag nakita nilang ikaw ay taos-puso, hindi nila hahamakin ang alin man sa iyong mga pagsisikap. May paraan para maaabot maging ang pinakamatigas na mga puso. Lumapit kayong may kasimplihan at katapatan at pagpapakumbabang makatutulong sa ating maabot ang mga kaluluwa ng mga pinagbuwisan ni Cristo ng Kanyang buhay. BN 142.3
Huwag mong sayangin ang anumang pagkakataon. Dalawin mo iyong naninirahan malapit sa iyo, at sa pamamagitan ng simpatya at kabutihan ay magsikap na abutin ang kanilang mga puso. Dalawin mo iyong mga may karamdaman at nagdurusa at magpakita ng mabuting pagmamalasakit sa kanila. Kung maaari ay gumawa kayo ng bagay na makapagpapabuti sa kanilang nararamdaman. Sa pamamagitan nito ay maaabot mo ang kanilang mga puso at makapangungusap ng salita para kay Cristo. Tanging ang walang hanggan ang makapagpapakita kung gaano kalayo ang mararating ng ganitong gawain. BN 142.4
Iyong hindi nagsasagawa ng ganitong gawain, iyong kumikilos na may pagwawalang-bahala gaya ng ipinapakita ng iba, ay mawawalan ng kanilang unang pag-ibig at magsisimulang mamuna, mamintas, at humatol sa kanilang mga kapatid. BN 142.5
Silang humahayo sa espiritu ng Panginoon, na nagsisikap na maabot ang mga kaluluwang taglay ang katotohanan ay.. .higit na mabubuhayan habang ibinibigay nila ang kanilang mga sarili sa paglilingkod sa Diyos. Napakasayang gawain ang magbukas ng Kasulatan sa iba. BN 142.6