At maging mabait kayo sa isa't isaf mga mahabagin, nagpapatawad sa isa't isa, gaya ng pagpapataioad sa inyo ng Diyos kay Cristo. Efeso 4:32 BN 144.1
Ang pagkamagiliw at kahabagang ipinahayag ni Jesus sa Kanyang sariling buhay ay dapat na maging halimbawa sa pamamaraan ng pagturing natin sa ating kapwa. . . . Marami ang nanglupaypay at napanghinaan ng loob sa mahirap na pakikipagpunyagi ng buhay, na maaari sanang mapalakas upang managumpay sa pamamagitan ng isang salita ng pang-aaliw at Iakas ng loob. . .. Hindi natin masasabi kung gnano kalayo makararating sa pagpapagaan ng pasanin ang ating mga magiliw na pananalita, ang ating mga pagsisikap na kagaya nang kay Cristo na pagaanin ang kanilang pasanin. Ang mga naliligaw ay maaaring maipanumbalik sa pamamagitan lamang ng espiritu ng pagpapakumbaba, pagkamahinhin, at magiliw na pag-ibig. BN 144.2
Sa lahat ng iyong pakikipag-ugnayan sa iyong kapwa ay huwag mong kalimutang ikaw ay nakikitungo sa isang pag-aari ng Diyos. Maging mabait; maging maawain; maging magalang. Igalang mo ang pag-aaring binili ng Diyos. Ituring ninyo ang isa't isang may pagkamalumanay at paggalang. BN 144.3
Kung kayo ay magkakaroon ng pagkagalit, paghihinala, at pag-iimbot sa inyong mga puso, may gawain kayo upang iwasto ang mga ito. Ikumpisal ninyo ang inyong mga kasalanan. Makipagkasundo kayo sa inyong mga kapatid. Magsalita kayo ng mabuti tungkol sa kanila. Huwag kayong magpapahayag ng hindi mabuting kaisipang makapagpapabangon sa isip ng iba ng kawalang pagtitiwala. Bantayan ninyo ang kanilang reputasyon gaya ng ninanais mong pagbabantay nila sa iyong reputasyon. Ibigin mo sila nang gaya nang ninanais mong pag-ibig sa iyo ni Jesus. BN 144.4
Ang biyaya ng Diyos ay nag-uudyok sa mga tao na ilagay nila ang kanilang mga sarili sa lugar ng kanilang kapwa sa lahat ng kanilang transaksyon. Ito ay naghahatid sa mga taong bantayan hindi lamang ang kanilang sariling mga pag-aari kundi pati na rin sa mga pag-aari ng iba. Hinahatid sila nito na magpakita ng pagkamahinay, simpatya, at kabutihan. Ang pag-iingat ng tamang espiritu, at banal na kabuhayan—ito ang kahulugan ng pagiging katulad ni Cristo. BN 144.5
Ang buhay mo ay dapat pangunahan ng malawak at masaganang prinsipyo ng Biblia, ang mga prinsipyo ng kabutihan, kabaitan, at pagkamagalang. BN 144.6