Ang liwanag ay bumabangon sa kadiliman para sa rnatuwid, ang Panginoon ay mapagbiyaya at mahabagin at matuwid. Awit 112:4 BN 146.1
Saanman mayroong pagmamahalan at simpatya, saanman nakaaabot ang puso upang magbigay pagpapala at magpasigla sa iba, doon nahahayag ang paggawa ng Banal na Espiritu ng Diyos. Sa kalaliman ng paganismo ang mga lalaking walang kaalaman tungkol sa nakasulat na kautusan ng Diyos, na hindi pa nakaririnig man lamang sa pangalan ni Cristo ay naging mabuti sa Kanyang mga Iingkod, na iniingatan sila sa panganib ng kanilang sariling mga buhay. Ang kanilang mga gawain ay nagpapakita ng paggawa ng isang banal na kapangyarihan. Itinanim ng Banal na Espiritu ang biyaya ni Cristo sa puso ng taong hindi nakakakilala sa Diyos ng Israel, na binubuhay ang kanyang simpatya taliwas sa kanyang sariling likas, taliwas sa kanyang pinag-aralan. . . . BN 146.2
Si Cristo ay nagsisikap pasiglahin ang Iahat sa pakikisama sa Kanya, upang tayo ay makiisa sa Kanya na gaya Niyang kaisa ng Ama. Pinahihintulutan Niyang tayo ay makiugnay sa paghihirap at kalamidad upang tawagin tayo palabas sa ating pagkamakasarili. Nagsisikap Siyang linangin tayo sa kabutihan ng Kanyang karakter—pagmamahal, pagkamatimyas, at pag-ibig. Sa pamamagitan ng pagtanggap sa gawaing ito ng ministeryo, inilalagay natin ang ating sarili sa kanyang paaralan upang sanayin para sa mga bulwagan ng Diyos.... BN 146.3
Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa mga makalangit na nilalang sa kanilang gawain sa lupa, tayo ay naghahanda para sa kanilang pakikisama sa Iangit. “Mga espiritung nasa banal na gawain, na sinugo upang maglingkod sa kapakanan ng mga magmamana ng kaligtasan,” ang mga anghel sa langit ay tatanggap doon sa mga namuhay sa lupa “hindi upang paglingkuran, kundi upang maglingkod.” Sa pinagpalang pagsasamang ito, matututunan natin, sa ating walang hanggang kaligayahan, ang tungkol sa lahat ng nakapaloob sa katanungang, “Sino ang aking kapwa?” BN 146.4
Ang bawat pagkilos na may pag-ibig, ang bawat salita ng kabutihan, ang bawat panalangin para sa nagdurusa at inaalipusta, ay ibinabalita sa harapan ng walang hanggang luklukan at inilalagay sa hindi nasisirang talaan. BN 146.5