Ang dalisay na relihiyon at walang dungis sa harapan ng ating Diyos at Ama ay ito: ang dalawin ang mga ulila at ang mga balo sa kanilang kahirapan, at panatilihin ang sarili na hindi nadungisan ng sanlibutan. Santiago 1:27 BN 148.1
Sa lahat ng nangangailangan ng ating pansin, ang mga balo at ang mga ulila ang may pinakamalakas na pag-angkin sa ating magiliw na simpatya at pag-aaruga. . . . BN 148.2
Ang amang namatay sa pananampalataya, na nahihimlay sa walang hanggang pangako ng Diyos, ay iniwan ang kanyang mga minamahal sa lubos na pagtitiwalang aarugain sila ng Panginoon. At paano pinapangalagaan ng Panginoon ang mga nangungulilang ito? Hindi Siya gumagawa ng himalang gaya ng pagpapadala ng manna mula sa langit, hindi Siya nagsusugo ng mga uwak upang dalhan sila ng pagkain; kundi gumagawa Siya ng himala sa puso ng mga tao. Pinapalayas Niya ang pagkamakasarili sa kaluluwa. Tinatanggalan Niya ng takip ang bukal ng pagbibigay. Sinusubukan Niya ang pag- ibig ng mga nagpapakilalang tagasunod Niya sa pamamagitan ng pagkakatiwala sa ilalim ng kanilang kahabagan sa kanilang mga kahabagan ng mga Nagdurusa at nagdadalamhati, mahirap at ulila. BN 148.3
Maraming mga naulilang inang may mga anak na nawalan ng ama ang matapang na nagsusumikap na batahin ang doble niyang pasanin, na madalas na nagpupunyagi nang higit sa kanyang makakayanan para lamang mapanatili sa kanyang piling ang mga maliliit niyang anak at mapunan ang kanilang mga pangangailangan. Kakaunti ang oras niya para sanayin sila at turuan. Kakaunti ang kanyang pagkakataon upang palibutan sila ng mga impluwensyang magpapasaya sa kanilang buhay. Nangangailangan siya ng pagpapalakas ng loob, simpatya, at tunay na tulong. Tlnatawagan tayo ng Diyos na maglaan sa mga batang ito ng pag-aaruga ng isang ama hanggang makakaya natin. . . . Pagsikapang matulungan ang nahihirapang ina. BN 148.4
Sa mga tahanang nabigyan ng mga kaalwanan ng buhay, sa mga sisidlan at mga kamalig na puno ng mayamang ani, sa mga imbakang puno ng mga produkto ng panghabi, at mga kaha-de-yerong pinagtataguan ng ginto at pilak, naglaan ang Diyos ng mga paraan upang alalayan ang mga nangangailangan. BN 148.5
Iyong mga nahahabag para. . .sa mga balo, naulila, at mga nangangailangan, ay kinikilala ni Cristo bilang mga tagapag-ingat sa utos, na magtataglay ng buhay na walang hanggan. BN 148.6