Hindi ba ito ay upang ibahagi ang iyong tinapay sa nagugutom, at dalhin sa iyong bahay ang dukha na walang tuluyan? Isaias 58:7 BN 149.1
Ano ang dalisay na relihiyon? Sinabi sa atin ni Cristo na ang dalisay na relihiyon ay ang pagsasagawa ng habag, simpatya, at pag-ibig, sa tahanan, sa iglesia, at sa sanlibutan. . . . BN 149.2
Dapat nating alalahanin at alagaan ang kapwang nangangailangan ng ating pag-ibig, ng ating habag, at pag-aaruga. Dapat nating laging maisaisip na tayo ay mga kinatawan ni Cristo, at dapat nating ipamahagi iyong mga biyayang ibinibigay Niya, hindi doon sa mga magbabalik sa atin bilang ganti, kundi doon sa magpapahalaga sa mga kaloob na magsasapat sa kanilang mga pisikal at espirituwal na mga pangangailangan. Doon sa mga nagbibigay ng pagpipiging sa layong pagtulong sa kanilang may kakaunting kaligayahan, sa layong pagpapasaya sa kanilang malulungkot na buhay, sa layong pagpapagaan sa kanilang kahirapan at pag-aalala, ay kumikilos na walang pagkamakasarili at sang-ayon sa tagubilin ni Cristo. BN 149.3
Sa ating palibot, nakakikita tayo ng pangangailangan at paghihirap. May mga pamilyang nangangailangan ng pagkain, mga maliliit na batang umiiyak para sa tinapay. Ang mga tahanan ng mga mahihirap ay kulang sa maayos na mga muwebles at mga higaan. Marami ang namumuhay sa mga dampang kulang na kulang sa mga kaalwanan ng buhay. Ang hikbi ng mga mahihirap ay umaabot sa langit. Nakikita at naririnig sila ng Diyos. BN 149.4
Ang gawain ng pagtitipon sa mga nangangailangan. . .ay siyang gawaing dapat ay matagal nang ginampanan ng bawat iglesiang naniniwala sa katotohanan para sa panahong ito. Dapat tayong magpakita ng magiliw na kahabagan ng Samaritano sa pagpupuno sa mga pisikal na pangangailangan, pagpapakain sa nagugutom, pagpapapasok sa ating mga tahanan doon sa mga mahihirap na napalayas sa kanilang mga tahanan. Ang pagtitipon mula sa Diyos ng biyaya at kalakasan sa bawat araw ay magbibigay kakayanan sa ating abutin ang pinakakalaliman ng paghihirap ng sangkatauhan at tulungan e BN 149.5
iyong hindi kayang tulungan ang kanilang mga sarili. Sa pagganap sa gawaing ito, mayroon tayong mabuting pagkakataong ihayag si Cristo na napako sa krus. BN 149.6