Sapagkat Ako'y. . .hubad at inyong dinamitan. Mateo 25:35, 36 BN 150.1
Si Cristo. . .ay nagsasabing, Ako iyong nagugutom at nauuhaw. Ako iyong taga-ibang lupa. Ako iyong may karamdaman. Ako iyong nasa bilangguan. . . . Habang pinupuno mo ang iyong aparador ng mga mararangyang kasuotan, Ako ay naghihirap. Habang ikaw ay nag-aaliw, Ako ay nagdurusa sa bilangguan. BN 150.2
Nang ipinamigay mo ang kakaunting tinapay sa nagugutom na mahirap, nang ibinigay mo iyong maninipis na kasuotan para pangkalasag sa malamig na niyebe, naalala mo bang ikaw ay nagbibigay sa Panginoon ng kaluwalhatian? Sa lahat ng mga araw ng iyong buhay Ako ay malapit sa iyo sa katauhan ng mga naghihirap, ngunit hindi mo Ako hinanap. Hindi mo ninais na makapasok sa isang pakikisama sa Akin. BN 150.3
Sa nagpapakilalang Cristianong sanlibutan ay may sapat na mamahaling pagpapasikatngmgaalahasatpalamutiparamapunanangpangangailangan ng lahat ng nagugutom at bihisan ang mga hubad sa ating mga bayan at lunsod. Ngunit hindi naman kailangang magutom at manatiling hubad iyong mga tagasunod na ito ng maamo at mapagpakumbabang si Jesus. Ano ang sasabihin ng mga kaanib ng iglesiang ito sa araw ng paghuhukom kapag sila ay hinarap ng mga karapat-dapat na mahihirap na ito, ng mga nagdurusa, mga balo at mga ulila, na nakaranas ng napakahirap na kawalan para sa mga maliliit na pangangailangan ng buhay, habang napakalaki ng ginastos ng mga nag-aangking tagasunod ni Cristo para sa mga labis na kasuotan at hindi naman kailangang palamuti na hayagang ipinagbabawal ng Saiita ng Diyos na sasapat na sana sa lahat ng pangangailangan ng mga mahihirap? BN 150.4
Sa ika-58 kapitulo ng Isaias, malinaw na inihayag ang gawain ng bayan ng Diyos. Dapat nilang kalagin ang bawat tanikala, pakainin ang mga nagugutom, bihisan ang mga hubad. . . . Kung kanilang gagampanan ang mga panuntunan ng kautusan ng Diyos sa mga gawa ng kahabagan at pag- ibig, mapapangatawanan nila ang karakter ng Diyos sa sanlibutan, at sila ay tatanggap ng pinakamayamang biyaya ng Kalangitan. BN 150.5