Matuto kayong gumawa ng mabuti, inyong hanapin ang karunungan, inyong ituwid ang paniniil, inyong ipagtanggol ang mga ulila, ipaglabafi ninyo ang babaing balo. Isaias 1:17 BN 151.1
Si Jesus, ang mahalagang Tagapagligtas, ang taong tularan, ay kasing tibay ng bato kapag may kinalaman sa katotohanan at tungkulin. Ang Kanyang buhay ay ganap na ilustrasyon ng tunay na paggalang. Pinabango ng kabutihan at kaamuhan ang Kanyang karakter. Lagi Siyang may magiliw na pagbati at salitang pang-aliw sa mga nangangailangan at naaapi. . . . BN 151.2
Kapag nakakasalamuha ninyo iyong mga napipighati at naaapi, na hindi nalalaman kung saan sila babaling upang makahanap ng ginhawa, ilagay ninyo ang inyong mga puso sa gawain ng pagtulong sa kanila. Hindi kalooban ng Diyos na ang Kanyang mga anak ay ikukulong ang kanilang mga sarili na nananatiling walang pakialam sa kapakanan noong higit na kapos-palad kaysa kanila. Alalahanin si Cristo ay namatay para sa kanila at gayundin para sa inyo. Mabubuksan ang daan para matulungan ninyo sila sa pamamagitan ng pagpapalubag-loob at kabutihan. Makukuha ninyo ang kanilang kalooban at mabibigyan ninyo sila ng pag-asa at lakas loob. BN 151.3
Hindi dapat ipahintulot ng mga taong nakawan sila ng kanilang pagkatao ng kanilang gawain. . . . Ang mabubuting mga salita, magiliw na pagbati, at mabait na gawi ay may ibayong kahalagahan. May pang-akit sa pakikitungo ng mga taong tunay na mabuti. . . . Gaano nga nakapagpapanumbalik at nakaaangat iyong impluwensya nila sa mga mahihirap at nagdadalamhati! Ipagkakait ba natin sa kanila ang kagalingang maibibigay ng ganitong pakikitungo? BN 151.4
Ang bawat gawa ng katarungan, kahabagan, at kabutihan ay nakagagawangpag-awitsa kalangitan.Mulasa Kanyangluklukannakikita ng Ama iyong mga gumagawa ng mga ito, at ibinibilang silang kasama ng mga pinakamahalaga Niyang mga kayamanan. “Sila'y magiging Akin, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, isang natatanging kayamanan sa araw na Ako'y kumilos.” Ang bawat gawaing may kahabagan sa mga nangangailangan at naghihirap ay kinikilalang ginawa para kay Jesus. Kapag kayo ay sumasaklolo sa mga mahihirap, nakikisimpatya sa mga nagdurusa at naaapi, at kinakaibigan ang mga ulila, inilalagay ninyo ang inyong mga sarili sa higit na malapit na pakikisama kay Jesus. BN 151.5