Sa bulag ako'y naging mga rnata, at sa pilay ako'y naging mga paa. Job 29:15 BN 152.1
Bantayang mabuti, nang may panalangin at pag-iingat ang inyong pag-iisip, baka ito ay malulong sa maraming mahahalagang transaksyon sa negosyong anupa't ang tunay na kabanalan ay makaliligtaan at ang pag-ibig ay masakal mula sa kaluluwa, na hindi pinapansin ang dakilang pangangailangan para sa inyong pagiging mga kamay ng Diyos na tumutulong sa mga bulag at sa lahat ng iba pang kapos-palad. Ang pinakakulang sa mga kaibigan ang siyang nangangailangan ng pinakamalaking pansin. Gamitin ninyo ang inyong oras at kalakasan sa pagkatuto kung paano maging “maalab sa espiritu,” na makitungo nang may katarungan, at ibigin ang kahabagan, “na naglilingkod sa Panginoon.” Alalahanin ninyong sinasabi ni Cristo, “Yamang ginawa ninyo ito sa pinakamaliit sa mga kapatid kong ito, ay sa Akin ninyo ginawa.” BN 152.2
Hinihingi ng Diyos na ang Kanyang bayan ay maging higit na maawain at maalalahanin sa mga kapos-palad Hinihiling ng Diyos na ang katulad na konsiderasyong nabigay sa balo at ulila ay maibigay din sa mga bulag at doon sa nagdurusa sa ilalim ng iba pang mga karamdamang pisikal. Napakahirap hanapin ng kabutihang hindi naghahanap ng kapalit sa kapanahunang ito sa mundo. . . . Nakapagtatakang ang mga nag- aangking mga Cristiano ay babale-walain ang mga malinaw at positibong turo ng Salita ng Diyos at hindi makaramdam ng konsyensya. Inilalagay ng Diyos sa kanila ang responsibilidad na pangalagaan ang mga kapos- palad, mga bulag, mga Iumpo, mga balo, at mga ulila; ngunit marami ang walang ginagawa tungkol dito. BN 152.3
May malaking gawain na kailangang magampanan sa mundong ito, at habang lumalapit tayo sa pagtatapos ng kasaysayan ng mundo, hindi ito nababawasan. Ngunit kapag ang ganap na pag-ibig ng Diyos ay nasa puso, ang mga kamangha-manghang mga bagay ay magaganap. BN 152.4