Kaya't habang may pagkakataon, gumawa tayo ng mabuti sa lahat, lalung lalo na sa mga kabilang sa sambahayan ng pananampalataya. Galaeia 6:10 BN 154.1
Sa isang natatanging kaparaanan inilagay ni Cristo sa Kanyang iglesia ang tungkuling pangalagaan ang mga mahihirap sa kanilang mga kaanib. Pinapahintulutan Niya ang mga mahihirap Niyang mga anak na manatili sa mga hangganan ng bawat iglesia. Sila ay palaging sumasa atin, at inilalagay Niya sa mga kaanib ng iglesia ang personal na responsibilidad na pangalagaan sila. Bilang mga kaanib ng isang totoong sambahayan, pangalagaan ninyo ang isa't isa, na pinagagaling ang mga may karamdaman, pinalalakas ang mga mahihina, tinuturuan ang mga kulang sa kaalaman, sinasanay ang mga walang karanasan. Sa ganitong paraan mapangangalagaan ng “sambahayan ng pananampalataya” ang mga mahihirap at nangangailangan nitong mga kasamahan. BN 154.2
Ito ay tungkulin ng bawat iglesiang magsagawa ng maingat at matalinong kaayusan para sa pangangalaga ng mga mahihirap at may karamdaman. BN 154.3
Anumang pagpapabaya sa bahagi nilang nag-aangking mga tagasunod ni Cristo, kabiguang pagaanin ang mga pangangailangan ng kapatid na lalaki o babaing nabibigatan sa pasanin ng kahirapan at pagkaapi, ay naitala sa mga akiat sa kalangitan bilang ginawa para kay Cristo sa katauhan ng Kanyang mga banal. Napakalaking pagtutuos ang gagawin ng Diyos sa marami, napakarami, na nagpapahayag ng mga salita ni Cristo sa iba ngunit nabibigong magpakita ng magiliw na damdamin at pagpapahalaga sa isang kapatid sa pananampalatayang higit na kapos-palad kaysa kanila. BN 154.4
Ang tunay na Cristiano ay kaibigan ng mga mahihirap. Nakikitungo siya sa nagugulumihanan at kapos-palad na kapatid na gaya sa isang mura at mahinang halaman. Nais ng Diyos na ang Kanyang mga manggagawa ay kumilos sa gitna ng mga may karamdaman at naghihirap bilang mga tagapagbalita ng Kanyang pag-ibig at kahabagan. Tinitingnan Niya tayo, upang makita kung paano natin itinuturing ang isa't isa, kung tayo ay kumikilos na gaya ni Cristo sa ating pakikitungo sa lahat, mataas o mababa, mayaman o mahirap, malaya o alipin. BN 154.5
Walang pag-aalinlangan tungkol sa mga mahihirap ng Panginoon. Sila ay dapat matulungan sa bawat pagkakataon kung saan ito ay para sa kanilang kapakinabangan. BN 154.6