Ang mga pantas ay magniningning na tulad ng kaningningan ng langit; at ang mga nagbabalik ng marami sa katuiuiran ay parang mga bituin magpakailanman. Daniel 12:3 BN 156.1
iyang nagtalaga “sa bawat isa ng kanyang gawain” sang-ayon pagganap sa tungkulin na manatiling hindi nagagantimpalaan. Ang bawat gawain ng katapatan ay makokoronahan ng mga natatanging mga alaala ng pagtingin at pagtanggap ng Diyos. Sa bawat manggagawa ay ibinibigay ang pangakong: “Silang lumalabas na umiiyak, na may dalang itatanim na mga binhi, ay uuwi na may sigaw ng kagalakan, na dala ang kanyang mga bigkis ng inani.” BN 156.2
Gaanuman kaigsi ang ating paglilingkod o gaanuman kababa ng ating gawain, kung tayo ay susunod kay Cristo sa payak na pananampalataya, hindi tayo mabibigo sa gantimpala. Iyong hindi makukuha kahit na ng pinakadakila at pinakapantas, ay maaaring makamtan ng pinakamahina at pinakaaba. Ang ginintuang tarangkahan ng langit ay hindi nagbubukas sa mga mapagmataas. Hindi ito iniaangat sa mga may espiritung mapagmalaki. Subalit ang mga lagusang walang hanggan ay magbubukas nang malawak sa nanginginig na hipo ng isang maliit na bata. Mapagpala ang magiging ganting biyaya sa kanilang gumawa para sa Diyos sa kapayakan ng pananampalataya at pag-ibig. BN 156.3
Ang mga noo nilang gumaganap ng gawaing ito ay magsusuot ng korona ng pagsasakripisyo. Ngunit matatanggap nila ang kanilang gantimpala. BN 156.4
Sa bawat manggagawa para sa Diyos, ang kaisipang ito ay dapat na magpasigla at magpalakas ng kalooban. Sa buhay na ito, ang ating gmagawa para sa Diyos ay madalas na tila walang bunga. Ang ating mga pagsusumikap na makagawa ng mabuti ay maaaring maging matapat at matiyaga, ngunit maaari ring hindi tayo pahintulutang makita ang kanilang mga bunga. Para sa atin ang pagsisikap ay maaaring walang kabuluhan. Ngunit tinitiyak sa atin ng Tagapagligtas na ang ating gawain ay napapahalagahan sa langit, at ang gantiinpala ay hindi mabibigo. BN 156.5
Bagaman ang kanyang buhay ay maging mahirap at puno ng pagtanggi sa sarili, . . .sa paningin ng kalangitan ito ay magiging tagumpay, at siya ay itatanghal na gaya ng isang maharlika ng Diyos. “Ang mga pantas ay magniningning na tulad ng kaningningan ng langit; at ang mga nagbabalik ng marami sa katuwiran ay parang mga bituin magpakailanman.” BN 156.6