Italaga ninyo ang inyong mga sarili at kayo'y maging banat; sapagkat Ako ang Panginoon ninyong Diyos. Tutuparin ninyo ang Aking mga tuntunin, at isasagawa ang mga iyon, Ako ang Panginoon na nagpapabanal sa inyo. Levitico 20:7, 8 BN 159.1
Nilabag ni Adan at Eva ang mga utos ng Panginoon, at ang napakasamang bunga nito ay dapat magsilbing babala sa ating huwag sumunod sa kanilang halimbawa ng paglabag. . . . Walang tunay na pagpapakabanal maliban sa pagsunod sa katotohanan. Silang umiibig sa Diyos nang buong puso ay magmamahal din sa Kanyang mga utos. Ang pusong pinabanal ay nakasang-ayon sa mga utos ng Diyos sapagkat ang mga ito ay banal, matuwid, at mabuti. BN 159.2
Walang tunay na nagmamahal at natatakot sa Diyos ang patuloy na lalabag sa utos sa anumang paraan. Kapag ang tao ay lumalabag, siya ay nasa ilalim ng paghatol ng kautusan, at ito ay nagiging pamatok ng pagkaalipin sa kanya. Anuman ang kanyang sinasabi hindi siya inaring ganap, na nangangahulugang pinatawad. BN 159.3
” Ang kautusan ng Panginoon ay sakdal, na nagpapanauli ng kaluluwa.” Sa pamamagitan ng pagsunod dumarating ang pagpapakabanal ng katawan, kaluluwa, at espiritu. Ang pagpapakabanal na ito ay sumusulong na gawain, at pag-unlad mula sa isang antas ng kaganapan hanggang sa isa pa. BN 159.4
Hayaan mong ang isang buhay na pananampalataya ay maging gaya ng mga sinulid na ginto sa pamamagitan ng pagsasagawa ng maging sa pinakamaliit na tungkulin. Kung magkagayon ang buong pang-araw-araw na tungkulin ay magpapalaganap sa paglagong Cristiano. Magkakaroon ng patuloy na pagtingin kay Jesus. Ang pag- ibig sa Kanya ay magbibigay ng kalakasan sa lahat ng gawain. Kaya sa pamamagitan ng tamang paggamit ng ating mga talento maaari nating idugtong ang ating sarili sa pamamagitan ng ginintuang kawing sa higit na mataas na sanlibutan. Ito ang tunay na pagpapakabanal, sapagkat ang pagpapakabanal ay binubuo ng masayang pagganap sa pang-araw- araw na mga tungkulin sa lubos na pagsunod sa kalooban ng Diyos. BN 159.5
Kapag nasa puso ang pagsunod sa Diyos, kapag pinagsusumikapan ito, tinatanggap ni Jesus ang ganitong kalooban at pagsisikap bilang pinakamabuting paglilingkod ng tao, at pinupunan Niya ang kakulangan sa pamamagitan ng Kanyang sariling banal na kabutihan. BN 159.6