Sumaamin nawa ang biyaya ng Panginoon naming Diyos. Awit 90:17 BN 179.1
Ang Diyos ay mapagmahal sa kagandahan, ngunit iyong pinakamamahal Niya ay isang magandang karakter. . . . Ang kagandahan ng karakter ay hindi magmamaliw, kundi mananatili hanggang sa walang hanggan. BN 179.2
Ang dakilang Dalubhasang Manlilikha ay pinagkaabalahan ang mga liryo, na ginagawa silang napakaganda na anupa't nalalagpasan nila sa kaningningan ang kaluwalhatian ni Solomon. Gaano pa kahigit ang Kanyang pag-aaruga sa tao, na siyang larawan at kaluwalhatian ng Diyos. Nagnanasa Siyang makitang ang Kanyang mga anak ay magpahayag ng karakter na nasa Kanyang wangis. Kung paanong ang sikat ng araw ay ibinibigay sa mga bulaklak sa iba't iba nilang mga pinong kulay, gayundin ang Diyos ay nagbibigay sa kaluluwa ng kagandahan ng Kanyang sariling karakter. BN 179.3
Ang lahat ng pumipili sa kaharian ng pag-ibig at katuwiran at kapayapaan ni Cristo, na ginagawa ang kapakanan nitong pinakamahalaga sa lahat, ay nauugnay sa mundo sa kaitaasan, at ang bawat biyayang kailangan para sa buhay na ito ay mapapasa kanila. Sa aklat ng Maykapal, ang aklat ng buhay, ang bawat isa sa atin ay binigyan ng isang pahina. Ang pahinang iyon ay naglalaman ng bawat pangyayari sa ating kasaysayan; maging ang mga buhok sa ating ulo ay bilang. Ang mga anak ng Diyos ay hindi nawawala sa Kanyang pag-iisip. BN 179.4
Ang makasanlibutang pagpapakita, gaanuman karangya, ay walang halaga sa paningin ng Diyos. Higit kaysa nakikita at pansamantala, pinahahalagahan Niya iyong hindi nakikita at walang hanggan. Ang nauna ay may halaga lamang habang ipinapahayag nito iyong huli. Ang pinakapiling mga gawa ng sining ay walang kagandahang taglay na maihahambing sa kagandahan ng karakter, na siyang bunga ng paggawa ng Banal na Espiritu sa kaluluwa.. .. BN 179.5
Dumating si Cristo sa sanlibutan at tumayo sa harapan ng mga anak ng taong taglay ang tinipong pag-ibig ng walang hanggan, at ito ang kayamanang sa pamamagitan ng pagkakaugnay sa Kanya, ay maaari nating matanggap, maipahayag, at maibigay... . BN 179.6
Dapat tayong makilala mula sa sanlibutan dahil inilagay ng Diyos ang Kanyang tatak sa atin, dahil ipinahahayag Niya sa atin ang Kanyang karakter ng pag-ibig. BN 179.7