Igalang ninyo ang lahat ng mga tao. Ibigin ninyo ang pagkakapatiran. Mangatakot kayo sa Diyos. Igalang ninyo ang hari. Mga alila, kayo' y magsisuko na may buong takot sa inyong mga panginoon; hindi lamang sa mabubuti at mahihinahon, kundi naman sa mababagsik. 1 Pedro 2:17, 18. BN 189.1
Nilinaw ng apostol ang pag-uugaling kailangang taglayin ng mga mananampalataya para sa mga may katungkulang sibil: “Kayo'y pasakop sa bawat palatuntunan ng tao alang-alang sa Panginoon: maging sa hari, na kataastaasan; o sa mga gobernador, na sinugo niya sa paghihiganti sa nagsisigawa ng masama at sa kapurihan ng nagsisigawa ng mabuti. Sapagka 't siyang kalooban ng Diyos na dahil sa paggawa ng mabuti ay inyong mapatahimik ang mga kamangmangan ng mga taong palalo; na gaya nang kayo'y mga laya, at ang inyong kalayaan ay hindi ginagamit na balabal ng kasamaan, kundi gaya ng mga alipin ng Diyos. Igalang ninyo ang lahat ng mga tao. Ibigin ninyo ang pagkakapatiran. Mangatakot kayo sa Diyos. Igalang ninyo ang hari.” BN 189.2
Tungkulin nating sundin ang mga batas ng ating bayan sa bawat pagkakataon, malibang sumasalungat sila sa higit na mataas na kautusang sinalita ng Diyos na may tinig na naririnig mula sa Sinai at pagkatapos ay inukit sa bato sa pamamagitan mismo ng daliri ng Diyos.. .. Ang sampung utos ni Jehovah ay siyang saligan ng lahat ng matuwid at mabuting batas. Silang mga nagsisiibig sa mga kautusan ng Diyos ay susunod sa bawat mabuting kautusan ng bayan. BN 189.3
Dapat tayong kumilala sa pamahalaan ng tao bilang kapangyarihang itinalaga ng Diyos at magturo ng pagsunod dito bilang banal na tungkulin, sa loob ng lugar na kanyang nasasakupan. Ngunit kapag sumasalungat ang mga hinihingi nito sa mga hinihingi ng Diyos, nararapat nating sundin ang Diyos kaysa mga tao. Dapat na makilalang ang Salita ng Diyos ay higit na mataas kaysa anomang batas ng tao. Ang “Sinabi ng Panginoon” ay hindi dapat maisantabi para sa “Sinabi ng iglesia” o “Sinabi ng pamahalaan.” Ang korona ni Cristo ay kailangang maiangat sa lahat ng mga korona ng mga makalupang hari. BN 189.4
Hindi tayo inuutusang sumalungat sa mga may kapangyarihan. Ang ating mga salita, maging binigkas man o nasusulat, ay kailangang piliing mabuti. BN 189.5
*****
Turuan ang mga taong sumang-ayon sa lahat ng mga bagay sa mga batas ng kanilang bansa habang magagawa nila ito na hindi sumasalungat sa kautusan ng Diyos. BN 189.6