Kaya’t sinasabi ng Panginoon, ng Diyos ng Israel, Aking sinabi nga na ang inyong sangbahayan, at ang sangbahayan ng iyong ama, ay lalakad sa harap Ko magpakailan man, ngunit sinasabi ngayon ng Panginoon, Malayo sa Akin, sapagkat yaong nagpaparangal sa Akin ay Aking pararangalin, at yaong mga humahamak sa Akin ay mawawalan ng kabuluhan. 1 Samuel 2:30. BN 193.1
Gawing parang langit ang buhay sa tahanan hanggang sa abot ng makakaya. BN 193.2
Sa tahanan itinatanim ang saligan ng pagpapabuti ng iglesia. Ang mga impluwensyang naghahari sa buhay sa loob ng tahanan ay nadadala sa buhay sa iglesia; kaya dapat magsimula sa tahanan ang mga tungkulin sa iglesia. BN 193.3
Ang mga ama at mga ina na inuuna ang Diyos sa kanilang mga tahanan, na tinuturuan ang mga anak na ang takot sa Diyos ay siyang panimula ng kaalaman ay lumuluwalhati sa Diyos sa harapan ng mga anghel at ng mga tao. . . . Si Cristo ay hindi estranghero sa kanilang mga tahanan; ang pangalan Niya ay laging nababanggit sa tahanan, na sinasamba at niluluwalhati. Nalulugod ang mga anghel sa tahanan kung saan naghahari ang Diyos at natuturuan ang mga anak na igalang ang relihiyon, ang Biblia, at ang kanilang Manlalalang. Ang ganitong mga pamilya ay maaaring mag-angkin sa pangakong, “Yaong mga nagpaparangal sa Akin ay Aking pararangalin.” BN 193.4
Ang banal na pribilehiyo nang pakikipagniig sa Diyos ay tumitiyak at nagpapaliwanag sa pagtingin sa mga maluluwalhating mga bagay na inihanda para sa kanilang umiibig sa Diyos at gumagalang sa Kanyang mga utos. Kailangan nating magdala ng paggalang sa ating mga pang-araw-araw na buhay. . . . BN 193.5
Masyadong maraming maliliit at pangkaraniwang mga bagay ang dinadala natin sa mga pang-araw-araw na tungkulin ng buhay, at ang resulta nito ay nabigo tayong makita Siyang hindi nakikita. Sa gayon ay nawawala natin ang mayayamang pagpapala sa ating karanasan sa relihiyon. BN 193.6
Nakikita ang tunay na paggalang sa pagsunod. Walang iniutos ang Diyos na hindi kailangan, at walang ibang paraan ng pagpapakita ng paggalang na higit na nakalulugod sa Kanya kaysa pagsunod sa Kanyang mga sinalita. BN 193.7