Alalahatiin mo ang araw ng Sabbath upang ipangilin. Exodo 20:8 BN 196.1
Ang salitang “alalahanin” ay nakalagay sa pinakasimula ng ikaapat na utos. Mga magulang, kailangang ninyong alalahanin ang araw ng Sabbath sa inyong mga sarili upang ingatan itong banal. At kung gagawin ninyo ito, naibibigay ninyo ang tamang pagtuturo sa inyong mga anak; igagalang nila ang banal na araw ng Diyos— Sa buong sanglinggo, panatilihin ninyo sa inyong tanaw ang banal na Sabbath ng Panginoon, sapagkat dapat maitalaga ang araw na iyon sa paglilingkod sa Diyos. Ito ay isang araw kung kailan dapat na mamahinga ang mga kamay mula sa makasanlibutang paggawa, kung kailan makatatanggap ng natatanging pansin ang mga pangangailangan ng kaluluwa. BN 196.2
Ang Sabbath—Oh! Gawin ninyo itong pinakamapagpalang araw sa buong sanlinggo. . . . Ang mga magulang ay maaari at nararapat na magbigay ng pansin sa kanilang mga anak, na binabasa sa kanila ang pinakakaaya-ayang bahagi ng kasaysayan ng Biblia, na tinuturuan silang igalang ang araw ng Sabbath, na ipinapangilin ito sang-ayon sa ikaapat na utos. . . . Maaari nilang gawing kasiyahan ang Sabbath kung kanilang gagawin ang nararapat na paraan. Ang mga bata ay maaaring maging mahiligin sa mabubuting mga babasahin o sa pag- uusap tungkol sa kaligtasan ng kanilang mga kaluluwa. BN 196.3
Sa isang bahagi ng araw, dapat magkaroon ng pagkakataong lumabas ang lahat. . . . Hayaan ninyong maiugnay ang kanilang mga murang kaisipan sa Diyos sa magagandang tanawin ng kalikasan; hayaang maituon ang kanilang pansin sa mga palatandaan ng Kanyang pag-ibig para sa mga tao sa mga bagay na Kanyang ginawa.... Habang kanilang minamasdan ang magagandang bagay na Kanyang nilalang para sa kaligayahan ng tao, madadala sila sa pagkakilala sa Kanya bilang isang magiliw at maibiging Ama. . . . Habang nakikilala ang karakter ng Diyos bilang pag-ibig, kabutihan, kagandahan, at pagkamahalina, inaakit sila patungo sa Kanya. BN 196.4
Ang Sabbath ay ginintuang kawing na nag-uugnay sa Diyos sa Kanyang bayan. BN 196.5
Ang pangingilin ng Sabbath na banal sa Panginoon ay nangangahulugan ng walang hanggang kaligtasan. BN 196.6