Ngunit ang Panginoon ay tunay na Diyos; Siya ang buhay na Diyos, at walang hanggang Hari. ]cremias 10:10 BN 197.1
Ang “Ako'y sasa iyo” (Exodo 33:14) ay pangakong ibinigay sa panahon ng paglalakbay sa ilang. Ang kasiguruhang ito ay sinamahan ng kagilagilalas na paghahayag ng karakter ni Jehovah na nagbigay kalakasan kay Moises upang maihayag sa buong Israel ang kabutihan ng Diyos at lubusan silang maturuan tungkol sa likas ng kanilang di-nakikitang Hari. . . . BN 197.2
Hanggang sa wakas ng kanyang mahabang buhay ng matiyagang paglilingkod, ipinagpatuloy ni Moises ang kanyang masidhing pangangaral sa Israel upang mapanatili ang kanilang paningin sa kanilang banal na Pinuno BN 197.3
Anong pagtitiwala ang tinaglay ni Moises sa kanyang pagtiyak sa Israel ng mga kabutihan ni Jehovah! Sa panahon ng paglalakbay sa ilang ay madalas siyang nakiusap sa Diyos para sa nagkakamaling bayan ng Israel, at iniligtas sila ng Panginoon. . .. BN 197.4
Nagsumamo ang propeta para sa kamangha-manghang kabutihan at mga pangako ng Diyos para sa piniling bayan. At bilang pinakamasidhi sa lahat ng mga pagsusumamo, hiningi niya ang pag-ibig ng Diyos sa nagkasalang sangkatauhan “Ipatawad Mo, isinasamo ko sa Iyo, ang kasamaan ng bayang ito ayon sa kalakhan ng Iyong pagpapatawad sa bayang ito, mula sa Ehipto hanggang ngayon.” ... BN 197.5
Mabiyayang tumugon ang Panginoon, “Aking pinapatawad ayon sa iyong salita.” At pagkatapos ay ibinigay Niya kay Moises sa anyo ng isang hula ang kaalaman ng Kanyang layunin para sa huling pagtatagumpay ng Kanyang piniling bayan. “Ngunit tunay na kung paanong Ako'y buhay at kung paanong mapupuspos ng kalu walhatian ng Panginoon ang buong lupa.” . . . Ang kaluwalhatian ng Diyos, ang Kanyang karakter, ang Kanyang mahabaging kabutihan at magiliw na pag-ibig—lahat ng isinamo ni Moises para sa Israel ay ipapahayag sa buong sangkatauhan. At makalawang beses na tiniyak ang pangakong ito ni Jehovah; pinagtibay ito sa pamamagitan ng isang panunumpa. Kung paanong nabubuhay at naghahari ang Diyos, ihahayag ang Kanyang kaluwalhatian “sa gitna ng mga bansa, ang Kanyang mga kamangha-manghang gawa sa gitna ng lahat ng mga bayan.” BN 197.6