Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin; ang Diyos ni ]acob ay ating kanlungan. Awit 46:7 BN 199.1
Ang “Emmanuel, ang Diyos ay sumasa atrn,” ay nangangahulugan ng lahat-lahat sa atin. Napala wakna saligan ang inilalatag nito para sa ating pananampalataya. Anong pag-asa na pinalaki ng walang hanggang buhay ang inilalagay nito sa harapan ng kaluluwang nananampalataya. Sumasa adn ang Diyos kay Cristo Jesus upang samahan tayo sa ba wat hakbang ng ating paglalakbay patungo sa langit. Ang Banal na Espiritu ay sumasa atin bilang mang-aaliw, isang gabay sa ating kagulumihanan, upang bigyang ginhawa ang ating mga kalumbayan, at ingatan tayo mula sa tukso. “Oh kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Diyos!” BN 199.2
Inatasan ng Diyos si Moises para sa Israel, “At kanilang igawa Ako ng isang santuwaryo upang Ako'y makatahan sa gitna nila,” at nanahan Siya sa santuwaryo, sa gitna ng Kanyang bayan. Sa gitna ng lahat nilang nakapapagal na paglalagalag sa ilang, sumasa kanila ang simbolo ng kanyang presensya. Kaya itinayo ni Cristo ang Kanyang tabernakulo sa gitna ng ating pantaong kampamento. Itinayo Niya ang Kanyang tolda sa tabi ng mga tolda ng mga tao, upang manahan Siya sa gitna nila at gawin tayong pamilyar sa Kanyang banal na karakter at buhay BN 199.3
Dahil dumating si Jesus upang manahan sa ating kalagitnaan, alam nating nakababatid ang Diyos sa ating mga kahirapan at nakikiramay sa ating mga kalumbayan. Maaaring makaunawa ang bawat anak na lalaki at babae ni Adan na kaibigan ng mga makasalanan ang ating Manlalalang BN 199.4
“Ang Diyos ay sumasa atin” ay kasiguruhan ng ating pagkaligtas mula sa kasalanan, ang katiyakan ng ating kapangyarihang sumunod sa kautusan ng kalangitan. BN 199.5
Sinikap ituro ni Cristo ang dakilang katotohanang kailangan nating matutuhan, na laging sumasa atin ang Diyos, kasama sa bawat tahanan, na batid Niya ang bawat pagkilos na ginagawa sa lupa. Alam Niya ang mga kaisipang nabubuo sa pag-iisip at sinasang-ayunan ng kaluluwa. Naririnig Niya ang ba wat salitang nahuhulog mula sa mga labi ng mga tao. Naglalakad Siya at gumagawa sa gitna ng Iahat ng ating mga kasunduan sa buhay. Batid Niya ang bawat panukala, at Kanyang sinusukat ang bawat pamamaraan. BN 199.6