Ikaw ay Diyos na nakakakita. Genesis 16:13 BN 200.1
Ang Diyos ay maingat na tagamasid sa mga pagkilos ng mga nalalaman ng Manlalalang. Walang maaaring mangyari kung wala ang Kanyang pahintulot. Siyang inaasahan sa tadhana ng isang imperyo ay binabantayang may pag-iingat na walang pagpapahinga Niyang “nagbibigay ng kaligtasan sa mga hari,” na Siyang may-ari ng “mga kalasag ng lupa.” At ang taong aba ay kasing magiliw na binabantayan na gaya ng hari sa kanyang luklukan. BN 200.2
Patuloy na gumagawa ang Diyos para sa ikabubuti ng kanyang mga nilalang. . . . Hindi mabilang ang pagkakataong namagitan ang Diyos upang maiwasan ang kamatayan, mapanatili ang mga lalaki, babae, at mga bata sa kaligtasan kapag nilayon ni satanas ang isang resultang ganap na mapaminsala.... BN 200.3
Kapansin-pansing binasbasan ng Diyos ang sanlibutang ito. Ang mga tao ay mga tagatanggap ng hindi mabilang na mga kahabagan. Nagbabantay at nagsasanggalang sa kanila ang kalinga ng Diyos. Nabuhos sa kanila ang pinakapiling kaloob sa kaban ng kalangitan. BN 200.4
Nakikilala ka ng Diyos sa iyong pangalan. Batid Niya ang bawat pagkilos sa iyong buhay. BN 200.5
Nalalaman ng Diyos ang bawat pag-iisip, bawat layunin, bawat panukala, bawat motibo. . . . Kung paanong inililipat ng pintor ang bawat katangian ng mukha sa kanbas, gayundin inililipat ang katangian ng bawat indibidwal na karakter sa mga aklat sa langit. Ang Diyos ay may perpektong litrato ng karakter ng bawat tao. BN 200.6
Nais ng Diyos na kilalanin mo ang banal na presensya. Ang Kanyang kapayapaan, kaaliwan, biyaya, at kasiyahan ay magbabago mula sa anino ng kamatayan tungo sa maliwanag na umaga at mapalad na sikat ng araw.... Mauunawaan ng isang espiritung gumagalang sa Diyos na kailangang mapanatili ang puso sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos. Binubuksan ng mga tagapaglingkod na anghel ang mga paningin ng pag-iisip at ng puso upang makita ang mga kamangha- manghang mga bagay sa banal na kautusan, sa natural na mundo, at sa mga bagay na walang hanggan na inilalahad ng Espiritu Santo. BN 200.7