Huwag kang matakot, sapagkat Ako'sumasaiyo; huwag kang manglupaypay, sapagkat Ako'y iyong Diyos; Aking palalakasin ka; oo, Aking aalalayan ka ng kanang kamay ng Aking katuwiran. Isaias 41:10 BN 201.1
lg Diyos ay laging nasa masiglang pakikipagtalastasan sa pinakikilala Siyang yumuyukod patungo sa lupa at sa mga naninirahan dito. Nakikinig Siya sa bawat salitang binibigkas. Naririnig Niya ang bawat hinaing; Pinakikinggan Niya ang bawat panalangin; Minamatyagan Niya ang pagkilos ng bawat isa.. . . BN 201.2
Palaging may pagkalinga ang Diyos para sa Kanyang bayan. . . . Tinuruan ni Cristo ang Kanyang mga alagad na ang sukat ng banal na pagpapahalagang ibinigay sa anomang bagay ay sang-ayon sa posisyong nabigay dito sa paglalang ng Diyos. Itinuon Niya ang kanilang pansin sa mga ibon sa langit. Wala ni isang maya, sabi Niya, ang bumabagsak sa lupa na hindi napapansin ng ating Ama sa langit. At kung pinahahalagahan Niya ang maliit na maya, tiyak na mahalaga sa Kanyang paningin iyong mga kaluluwang pinagbuwisan ni Cristo ng Kanyang buhay. Ang halaga ng isang tao at ang pagpapahalagang inilalagay ng Diyos sa kanya ay nahayag sa Kalbaryo. . . . BN 201.3
Hindi natigil na matipon ang kahabagan at pag-ibig ng Diyos sa nagkasalang lahi, ni napaliko sa kanilang direksyon patungo sa lupa. BN 201.4
Totoong darating ang mga kabiguan; asahan natin ang mga kahirapan; subalit dapat nating italaga ang lahat, malaki man o maliit, sa Diyos. Hindi Siya nagugulumihanan sa dami ng ating mga hinaing, o nanghihina sa bigat ng ating mga pasanin. Ang Kanyang pagkalinga ay napapasa bawat tahanan at pumapalibot sa bawat isa. May malasakit Siya sa lahat ng ating mga ga wain at ating mga kalungkutan. Tinatandaan Niya ang bawat pagluha. Nadarama Niya ang bawat pasakit na dulot ng ating kahinaan. Ang lahat ng mga kahirapan at pagsubok na ating nararanasan dito ay pinahihintulutan upang maisagawa ang Kanyang layunin ng pag-ibig sa atin—“upang tayo'y maging kabahagi ng Kanyang kabanalan,” at sa pamamagitan nito ay makabahagi sa kasakdalan ng kasiyahang matatagpuan sa Kanyang presensya. BN 201.5