Inyong alalahanin ang mga dating bagay ng una, sapagkat Ako'Diyos, at walang iba liban sa Akin. Ako'Diyos at walang gaya Ko. Isaias 46:9 BN 202.1
Sa langit ang Diyos ay lahat-lahat. Doon, kabanalan ang naghaharing kataas-taasan, walang makababahid sa sakdal na pagkakasundo sa Diyos. Kung tunay tayong naglalakbay patungo roon, dito palang ay mananahan na ang espiritu ng kalangitan sa ating mga puso. Ngunit kunghindi tayo nakakikita ng kasiyahan ngayon sa pagbubulay sa mga makalangit na bagay; kung wala tayong interes sa pagsasaliksik sa karunungan ng Diyos, walang katuwaan sa pagtanaw sa karakter ni Cristo; kung walang taglay na pangganyak ang kabanalan sa atin—kung gayon ay makatitiyak tayong walang kabuluhan ang ating pagasa sa kalangitan. Ang sakdal na pagkaangkop sa kalooban ng Diyos ang siyang mataas na layuning dapat laging nasa harapan ng bawat Cristiano. BN 202.2
Magagalak siyang mangusap tungkol sa Diyos, kay Jesus, sa tahanan ng kapayapaan at kadalisayang inihanda ni Cristo para sa kanilang umiibig sa Kanya. Ang pagbubulay-bulay sa mga paksang ito, kapag nagagalak ang kaluluwa sa mapagpalang mga pangako ng Diyos, ay inilalarawan ng alagad na pagtikim sa “mga kapangyarihan ng mundong darating.” BN 202.3
Ang karunungan ng Diyos na nahahayag kay Cristo ay siyang kaalamang kailangan ng lahat ng naligtas. Ito ang kaalamang gumagawa ng pagbabago ng karakter. Ang kaalamang ito, kapag tinanggap, ay muling lalalanging muli ang kaluluwa sang-ayon sa wangis ng Diyos. Magbibigay ito sa buong pagkatao ng banal na espiritwal na kapangyarihan. . . . BN 202.4
“Dahil dito,” sinabi ni Pablo na, “iniluluhod ko ang aking mga tuhod sa Ama. Na sa Kanya'y kumukuha ng pangalan ang bawat sambahayan sa langit at sa lupa, upang sa inyo'y ipagkaloob Niya ayon sa mga kayamanan ng Kanyang kaluwalhatian, na kayo'y palakasin ng kapangyarihan sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu sa pagkataong loob; na si Cristo ay manahan sa inyong mga puso sa pamamagitan ng pananampalataya; upang kayo'y mag-ugat at magtumibay sa pag-ibig, ay Iumakas upang matalastas pati ng lahat ng mga banal kung ano ang luwang at ang haba at ang taas at Ialim, at makilala ang pag-ibig ni Cristo na di masayod ng kaalaman, upang kayo'y mangapuspos hanggang sa buong kapuspusan ng Diyos.” BN 202.5