Ang kalangitan ay nagpapahayag ng kaluwalhatian ng Diyos; at ipinapakilala ng kalawakan ang gawa ng Kanyang kamay. Awit 19:1 BN 203.1
Pinalibutan tayo ng Diyos ng magagandang tanawin ng kalikasan upang akitin at kunin ang interes ng ating isipan. Kanyang idinisenyo ito na dapat nating iugnay ang mga kaluwalhatian ng kalikasan sa Kanyang karakter. Kung matapat nating pagaaralan ang aklat ng kalikasan, makikita natin ito bilang mabungang mapagkukunan para sa pagbubulay ng walang hanggang pag-ibig at kapangyarihan ng Diyos. .. . BN 203.2
Ang dakilang Pangunahing Pintor ay gumuhit sa pabago-bagong kanbas ng kalangitan ng kaluwalhatian ng lumulubog na araw. Kinulayan Niya ang kalangitan ng ginto, pilak, at pula, na tila ba nabuksan ang mga pintuan ng mataas na kalangitan, upang ating matanaw ang liwanag nito at manghawak ang ating imahinasyon sa kaluwalhatian na nasa loob. Marami ang bumabaling na walang pagpapahalaga mula sa larawang ito na gawa sa kalangitan. Nabibigo silang makita ang walang hanggang pag-ibig at kapangyarihan ng Diyos sa labis na kagandahang makikita sa mga kalangitan, ngunit halos malunod sila sa tuwa habang kanilang natatanaw ang mga hindi perpektong larawang ipininta sa paggaya sa Pangunahing Pintor. BN 203.3
Pinili ng Manunubos ng sanlibutan ang labasan upang magbigay ng Kanyang mga aralin. . . . Pinili Niya ang kakahuyan at ang tabing- dagat, kung saan maaari Siyang magkaroon ng tanawin ng lupain at paiba-ibang tanawin, upang Kanyang mailarawan ang mahahalagang katotohanan ng kaharian ng Diyos sa pamamagitan ng mga gawa ng Diyos sa kalikasan. BN 203.4
Tingnan mo ang kamangha-mangha at magagandang bagay ng kalikasan. Isipin mo ang kanilang napakabuting pagkakaangkop sa mga pangangailangan at kasiyahan, hindi lamang ng tao, kundi ng lahat ng nabubuhay na nilalang. Ang liwanag ng araw at ang ulan, na nagpapasaya at nagpapanariwa sa lupa, ang mga burol at mga dagat at mga kapatagan, lahat ay nangungusap sa atin ng tungkol sa pag-ibig ng Manlalalang. Ang Diyos ang Siyang nagpapabulaklak sa ubod at nagpapabunga sa bulaklak. Siya ang nagbibigay sa lahat ng mga pang- araw-araw na pangangailangan ng lahat ng Kanyang mga nilalang. BN 203.5
Ang puso ay nabubuhayan, at tumitibok na may bago at higit na malalim na pag-ibig, na nahaluan ng pagkamangha at paggalang, habang pinagbubulay-bulayan natin ang Diyos sa kalikasan. BN 203.6