Ako'y naparito upang sila' y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito. ]uan 10:10 BN 204.1
Nabubuhay ang lahat ng nilalang sa pamamagitan ng kalooban at kapangyarihan ng Diyos. Sila ay mga tagatanggap ng buhay ng Anak ng Diyos. Gaanoman sila kagaling at lipos ng talento, gaanoman kalawak ang kanilang mga kakayahan, napupunang muli sila mula sa pinagkukunan ng lahat ng buhay. Siya ang bukal ng buhay. Siya lamang na natatanging nagtataglay ng buhay na walang hanggan, na tumatahan sa liwanag at sa buhay, ang makapagsasabing, “Ibinibigay Ko ang Aking buhay, upang kunin Kong muli.” . . . BN 204.2
Si Cristo ay binigyan ng kapangyarihang magbigay ng buhay na walang hanggan. Ang buhay na Kanyang isinuko sa katauhan ay kinuha Niyang muli at ibinigay sa katauhan. “Ako'y naparito,” sinasabi Niyang, “upang sila'y magkaroon ng buhay, at magkaroon ng kasaganaan nito.” . . . BN 204.3
Ang lahat ng nakikiisa kay Cristo sa pamamagitan ng pananampalataya sa Kanya ay nagkakanoon ngkaranasannabuhay tungosa buhay na walang hanggan “Sapagkat Ako'y nabubuhay ay mangabubuhay din naman kayo.” BN 204.4
Si Cristo ay nakiisa sa katauhan, upang ang katauhan ay maging isa sa Espiritu at sa buhay na kasama Niya. Sa pamamagitan ng pagkakaisang ito sa pagsunod sa Salita ng Diyos, ang Kanyang buhay ay nagiging kanilang buhay. Sinasabi Niya sa nagsisising, “Ako ang pagkabuhay na mag-uli, at ang buhay.” Hnitingnan ni Cristo ang kamatayan bilang isang pagtulog—katahimikan, kadiliman, pagtulog. NangungusapSiya tungkol dito na tila ito ay maliit na bagay lamang. “At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa Akin,” sinasabi Niya, “ay hindi mamamatay magpakailanman.” . . . At para sa nananampalataya, ang kamatayan ay isang maliit na bagay. Sa Kanya ang mamatay ay ang matulog. BN 204.5
Ang gayunding kapangyarihang nagpabangon kay Cristo mula sa mga patay ay magpapabangon sa Kanyang iglesia, at luluwalhati dito kasama si Cristo, bilang Kanyang asawang babae, na higit na mataas sa lahat ng pamunuan, mataas sa lahat ng kapangyarihan, mataas sa lahat ng pangalang ipinangalan, hindi lamang sa sanlibutang ito, kundi roon din sa kalangitan, sa sanlibutan sa kaitaasan. Ang tagumpay ng mga natutulog na mga banal ay magiging maluwalhati sa umaga ng pagkabuhay na mag-uli. BN 204.6