At lumalaki ang bata, at lumalakas at napupuspos ng karunungan: at sumasa Kanya ang biyaya ng Diyos. Lueas 2:40 BN 207.1
Napakabuti sa kahalagahan nito ang maigsing tala ng napupuspos ng karunungan: at sumasa Kanya ang biyaya ng Diyos.” Sa liwanag ng mukha ng Kanyang Ama, si Jesus ay “lumalaki sa karunungan at sa pangangatawan, at sa pagbibigay lugod sa Diyos at sa mga tao.” Aktibo at matalas ang Kanyang isip, na may pagkamaalalahanin at karunungang higit sa Kanyang edad. Ngunit napakabuti ng Kanyang karakter sa mahusay na proporsyon nito. Dahan-dahang lumalago ang mga kapangyarihan ng pag-iisip, alinsunod sa batas ng pagiging bata. BN 207.2
Bilang isang bata, nagpakita si Jesus ng kakaibang kagandahan ng pag- uugali. Laging handang maglingkod sa iba ang Kanyang mga kamay. Nagpakita Siya ng pagtitiyagang hindi magagambala ng anomang bagay at katapatang kailanman ay hindi magsasakripisyo sa katotohanan. Kasing tibay ng bato ang Kanyang mga prinsipyo at ang Kanyang buhay ay naghayag ng biyaya ng mapagbigay na paggalang sa kapwa. BN 207.3
Taglay ang malalim na malasakit, binantayan ng ina ni Jesus ang paglago ng Kanyang mga kapangyarihan at nakita niya ang tatak ng kaganapan sa Kanyang karakter. May kasiyahan niyang sinikap na pasiglahin ang kaisipang matalino at handang tumanggap. . . . BN 207.4
Mula sa kanyang mga labi at sa mga aklat ng mga propeta ay natuto Siya ng mga makalangit na bagay. Ang mga salitang binigkas niya kay Moises para sa Israel ngayon ay natutuhan Niya sa kandungan ng Kanyang ina. Sa Kanyang pagsulong mula pagkabata tungo sa kabataan, hindi Niya hinanap ang mga paaralan ng mga rabbi. Hindi Niya kailangan ang edukasyong maaaring makuha mula sa mga ganitong pagmumulan; dahil ang Diyos ang Kanyang guro.... BN 207.5
Dahil natuto Siyang gaya rin ng ating magagawa, ipinapakita ng Kanyang pagkapamilyar sa Kasulatan kung gaano Siya naging masikap sa Kanyang pagkabata sa pag-aaral ng Salita ng Diyos. . . . Mula sa unang pagsibol ng karunungan, patuloy Siyang lumalago sa espirituwal na biyaya at kaalaman ng katotohanan. BN 207.6