Ngayo'y patnubayan nawa ng ating Diyos at Ama at ng ating Panginoong Jesus ang aming paglalakbay patungo sa inyo. At nawa'y palaguin at pasaganain kayo ng Panginoon sa pag-ibig sa isa't isa at sa lahat ng tao, gaya naman namin sa inyo. 1 Tesalonica 3:11, 12 BN 130.1
Ang gawaing misyonero ay kailangang magawa sa tahanan. Dito dapat maipakita ng mga tumanggap kay Cristo kung ano ang nagawa para sa kanila ng biyaya. Ang isang banal na impluwensya ang nangunguna sa tunay na mananampalataya kay Cristo, at ang impluwensyang ito ay nararamdaman sa buong sambahayan at nakabubuti para sa kasakdalan ng mga karakter ng lahat ng nasa sambahayan. BN 130.2
Ang matapat na pagsasagawa ng mga tungkulin sa tahanan ay may impluwensya maging sa kanilang hindi nakatira sa tahanan. Ang ating espirituwal na pagsulong sa Ioob ng tahanan ay nadadala sa ating gawaing misyonero sa malayong lugar. Sa tahanan ng ama dapat makita ang ebidensya ng pagiging handa para sa gawain para sa iglesia. Taglay ang masisikap at mapagpakumbabang mga puso, ang mga kaanib ng pamilya ay dapat sikaping makilalang si Cristo ay nananahan sa puso. Pagkatapos ay maaari silang humayong taglay ang buong paghahanda para sa paglilingkod. . . . BN 130.3
Ang pagsisikap na ang tahanan ay gawing simbolo ng tahanan sa langit ay naghahanda sa atin para sa gawain sa mas malawak na larangan. Ang pagsasanay na natanggap sa pamamagitan ng pagpapakita ng matimyas na pagtingin para sa isa't isa ay nagbibigay sa atin ng kaalaman kung paano abutin ang mga pusong kailangang maturuan tungkol sa mga prinsipyo ng tunay na relihiyon. Kailangan ng iglesia ang lahat ng nasanay na kalakasang espirituwal na maaaring makamit, upang ang lahat, lalo na ang mga nakababatang kaanib ng sambahayan ng Panginoon, ay mabantayan. Ang katotohanang naisakabuhayan sa tahanan ay nararamdaman sa pamamagitan ng walang pag-iimbot na gawain sa malayong lugar. Siyang isinasakabuhayan ang Cristianismo sa tahanan ay magiging maningning na liwanag saanman. BN 130.4
Habang ang mga kaanib ng pamilya ay higit na malapit na nauugnay sa pamamagitan ng kanilang gawain sa tahanan, higit na nakapagpapaangat at nakakatulong ang impluwensya ng ama at ina at mga anak na lalaki at babae sa labas ng tahanan. BN 130.5