Sila'y napaniwala niya. Nang maipatawag nila ang mga apostol, hinagupit sila at inutusang huwag nang magsalita sa pangalan ni Jesus at sila'y pinalaya. Sa kanilang pag-alis sa Sanhedrin, nagalak sila na ituring na karapat-dapat magtiis ng kahihiyan alang-alang sa Pangalan. Mga Gawa 5:40, 41. TKK 333.1
Kapag kumikilos ang Diyos sa puso ng mga tao para ilapit sila kay Cristo, parang dumarating sa kanila ang isang humihimok na kapangyarihan, at sila'y naniniwala, at ibinibigay ang kanilang sarili sa impluwensiya ng Espiritu ng Diyos. Ngunit kung hindi nila panatilihin ang mahalagang pagtatagumpay na ibinigay ng Diyos; kung kanilang hahayaan ang mga unang gawain at kaugalian na muling bumangon, at magpakasasa sa makasanlibutang luho; kung pabayaan nila ang pananalangin, at tumigil sa paglayo sa masama, kung gayon ang tukso ni Satanas ay tinatanggap, at inaakay sila sa pagdududa ng katunayan ng kanilang dating karanasan. Makikita nilang mahina sila sa kanilang moral na kapangyarihan, at ipinahahayag sa kanila ni Satanas na walang kabuluhang kanilang subukin ang eksperimento ng pamumuhay ng isang Cristianong buhay. Kanyang sinabi, “Ang karanasang iniisip mong sa Diyos ay resulta lamang ng hindi nararapat na emosyon at kapusukan.” TKK 333.2
Habang tinatanggap ng tao ang mga suhestiyong ito ng masama, nag- uumpisang maging kapani-paniwala ito, at pagkatapos yaong dapat na higit na nakaaalam, na mayroong mas mahabang karanasan sa gawain ng Diyos, ay sumasang-ayon sa suhestiyon ni Satanas, at napipighati ang Banal na Espiritu sa kaluluwa. Mayroong mga kinukuha ang posisyong ito na halos hindi napapansin, na madaling maibabalik ang kanilang sarili kapag kanilang natanto kung ano ang kanilang ginagawa; ngunit may ilan na magpapatuloy na tanggihan ang Banal na Espiritu, hanggang ang pagtanggi ay tingnan nila bilang isang kakayahan. TKK 333.3
Isang mapanganib na bagay ang pagdudahan ang pagpapahayag ng Banal na Espiritu; sapagkat kung pagdudahan ang ahensyang ito, wala nang natitira pang kapangyarihang maaaring kumilos sa puso ng tao. Yaong ibinibilang ang gawain ng Banal na Espiritu sa mga pamamaraan ng tao, na nagsasabing ang hindi tamang impluwensiya ay dinala para ipapasan sa kanila, ay pinuputol ang kanilang kaluluwa mula sa bukal ng pagpapala.— REVIEW AND HERALD, February 13, 1894 . TKK 333.4