Dahil dito, sa pagkakaroon namin ng ministeryong ito sa pamamagitan ng aming tinanggap na habag, kami ay hindi pinanghihinaan ng loob, Kundi itinakuwil namin ang mga kahihiyang bagay na nakatago, Kami ay tumatangging gumawa ng katusuhan o gamitin sa pandaraya ang salita ng Diyos, kundi sa pamamagitan ng pagpapahayag ng katotohanan ay ipinapakilala namin ang aming sarili sa bawat budhi ng mga tao sa harapan ng Diyos, 2 Corinto 4:1,2. TKK 334.1
Kapatid ko, may panganib doon sa mga kasamahan natinggumagawa ng pagkakamali tungkol sa pagtanggap ng Banal na Espiritu. Marami ang nag-iisip na emosyon o masidhing kagalakan ng pakiramdam ang patunay ng pakikisama ng Banal na Espiritu. Mayroong panganib na hindi maunawaan ang tamang damdamin, at ang mga salita ni Cristo na “turuan silang sundin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo” (Mateo 28:20) ay mawalan ng halaga. May panganib na ang naunang mga pagbabalangkas at mga mapamahiing pagpapalagay ay kukuha ng bahagi ng mga Kasulatan. Sabihin sa ating mga tao, Huwag mag-alalang magpasok ng mga bagay na hindi inihayag sa mga Salita. Manatiling malapit kay Cristo. Alalahanin ang Kanyang salita: “Turuan silang sundin ang lahat ng mga bagay na iniutos ko sa inyo. At narito, ako'y kasama ninyo palagi, hanggang sa katapusan ng panahon” (talatang 20). TKK 334.2
Sumasaatin Siya habang ating itinuturo ang mga salitang Kanyang sinabi sa Lumang Tipan gayundin sa Bagong Tipan. Parehong banal ang Luma at Bagong Tipan; sapagkat pareho itong naglalaman ng mga salita ni Cristo. Ang lahat ng mga pakikipag-usap mula sa langit tungo sa sanlibutan mula sa pagbagsak ni Adan ay dumating sa pamamagitan ni Cristo. Siyang naniniwala sa tagubiling nilalaman ng Bagong Tipan at ng Luma, na ginagawa ang mga bagay na dito ay inutos ni Cristo, ay kasama niya palagi ang Tagapagligtas.— THE KRESS COLLECTION, p. 126 . TKK 334.3
Ang mga apostol at mga propeta at mga banal na tao ng una ay hindi pinasakdal ang kanilang mga kaluluwa sa pamamagitan ng mga himala, o sa pamamagitan ng kahanga-hanga at hindi karaniwang pagpapakita; ngunit kanilang ginamit ang kakayahang ibinigay sa kanila ng Diyos, na nagtitiwala lamang sa katuwiran ni Cristo. At lahat ng gagamitin ang gayuding paraan ay makakakuha ng gayunding resulta.— THE GENERAL CONFERENCE BULLETIN, July 1,1900 . TKK 334.4
Handa si Satanas na ang lahat ng sumasalangsang sa kautusan ng Diyos ay mag-aangking mga banal. Ito ang kanya mismong ginagawa. Nasisiyahan siya kapag itinuon ng tao ang kanilang pananampalataya sa hindi totoong mga doktrina at kasigasigang panrelihiyon; sapagkat magagamit niya ang mga taong iyon sa mabuting layunin sa pandaraya ng mga kaluluwa.— EVANGELISM, p. 597 . TKK 334.5