Sa lahat ng mga bagay ay ipakita mo ang iyong sarili na isang uliran sa mabubuting gawa; at sa iyong pagtuturo ay magpakita ka ng katapatan, pagiging kagalang-galang, wastong pananalita na hindi mapipintasan, upang ang kalaban ay mapahiya, na walang anumang masamang masasabi tungkol sa atin, Tito 2:7,8, TKK 335.1
May gawain ang Panginoon para sa iyo upang isagawa mo, at kung makikinig ka sa Kanyang tinig, hindi ka mananatili sa kadiliman. Sinasabi ng Tagapagligtas, “Pinapakinggan ng aking mga tupa ang aking tinig, at sila'y aking kilala, at sila'y sumusunod sa akin” (Juan 10:27). “Ngunit hindi sila susunod kailanman sa iba, . . . sapagkat hindi nila kilala ang tinig ng iba” (talatang 5). Sigurado akong inihahayag sa iyo ng Panginoon ang kasakdalan at pagiging lubos ng tumutubos na gawain, na mapuno ang iyong buong puso ng pag-ibig at pasasalamat, at upang iyong maihayag sa iba ang inihahayag sa iyo ng Panginoon. Ang larawan ni Cristo na naiguhit sa puso ay mailalarawan sa karakter, sa praktikal na buhay, araw-araw, dahil kinakatawanan natin ang personal na Tagapagligtas. TKK 335.2
Ipinangako ang Banal na Espiritu sa lahat ng humingi nito. Kapag sinaliksik mo ang Kasulatan, ang Banal na Espiritu ay nasa iyong tabi, na isinasabuhay si Cristo. Ang katotohanan ay isang buhay na prinsipyong pinasisinag sa mahalagang kaliwanagan sa pang-unawa, at pagkatapos, oh, pagkatapos, ito ay panahon para magsalita mula sa nabubuhay na Cristo. “Sapagkat kami ay mga kamanggagawa ng Diyos” (1 Corinto 3:9). Sinabi ni Cristo sa babae mula sa Samaria, “Kung nalalaman mo ang kaloob ng Diyos, at kung sino ang sa iyo'y nagsasabi, ‘Bigyan mo ako ng inumin;’ ikaw ay hihingi sa kanya, at ikaw ay bibigyan niya ng tubig na buhay. . . . Isang bukal ng tubig tungo sa buhay na walang hanggan” (Juan 4:10-14). TKK 335.3
Yaong nagtataglay ng pagbubuhos ng ebanghelio ni Cristo na nagmumula sa pusong kinakasihan sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay magbibigay liwanag at kaaliwan at pag-asa sa mga pusong nagugutom at nauuhaw sa katuwiran. Hindi kagalakan ang nais nating magawa, sa halip ay malalim, at taimtim na konsiderasyon, upang yaong mga nakarinig ay magsigawa ng isang matatag na gawain, tunay, matuwid, at tunay na gawain na magtatagal gaya ng walang hanggan. Hindi tayo nauuhaw sa kagalakan, para sa isang kagilagilalas; ang higit na kakaunti nito, ay mas maigi. Ang kalmado at maalab na pangangatwiran mula sa Kasulatan ay mahalaga at mabunga. Narito ang lihim ng tagumpay, sa pangangaral ng buhay, at personal na Tagapagligtas sa napakasimple at maalab na paraang ang mga tao ay magagawang manghawak sa pamamagitan ng pananampalataya sa kapangyarihan ng Salita ng Buhay.— THE PAULSON COLLECTION, pp. 101,102 . TKK 335.4