Ako ay makapagpapatunay na sila ay kusang-loob na nagbigay ayon sa kanilang kakayahan, at higit pa sa kanilang makakaya, na nakikiusap sa amin nang matindi tungkol sa biyaya na makibahagi sa paglilingkod sa mga banal, 2 Corinto 8:3,4, TKK 343.1
Ang ebanghelyo, umuusad at lumalawak, ay nangangailangan ng malaking suporta para umalalay sa pakikipaglaban pasimula pa noong kamatayan ni Cristo, at ginawa nito ang batas ng pagbibigay ng abuloy bilang pangunahing pangangailangan higit sa ilalim ng gobyerno ng mga Hebreo. Ngayon ay hinihingi ng Diyos, hindi ang kakaunting kaloob, sa halip ay mas malaki kaysa alinmang panahon ng sanlibutan. Ang prinsipyong inilatag ni Cristo ay na ang mga alay at kaloob ay dapat naaayon sa liwanag at mga pagpapalang tinatamasa. Sinabi Niya, “Sa bawat binigyan ng marami ay marami ang hihingin sa kanya” (Lucas 12:48). TKK 343.2
Ang pagpapala ng panahong Kristiyano ay tinugunan sa pamamagitan ng mga unang alagad sa gawain ng kawanggawa at kagandahang-loob. Ang pagbubuhos ng Espiritu ng Diyos, matapos iwan ni Cristo ang mga alagad at umakyat sa langit, ay naghatid sa pagtanggi sa sarili, at pagsasakripisyo para sa kaligtasan ng iba. Kapag nasa kagipitan ang mga banal sa Jerusalem, sumusulat si Pablo sa mga Cristianong Hentil tungkol sa mga gawain ng kagandahang-loob, at nagsasabing, “Ngunit, yamang kayo'y sumasagana sa lahat ng mga bagay, sa pananampalataya, sa pananalita, sa kaalaman, sa buong kasipagan, at sa inyong pag-ibig sa amin, sikapin din ninyo na kayo ay sumagana sa biyayang ito” (2 Corinto 8:7). Dito inilalagay ang kabaitan sa tabi ng pananampalataya, pagibig, at kasipagang Kristiyano. TKK 343.3
Yaong mga nag-iisip na maaari silang maging mabuting mga Kristiyano, at isinasara ang kanilang pandinig at mga puso sa mga panawagan ng Diyos para sa kanilang pagkakawanggawa, ay isang nakatatakot na daya. Mayroon niyaong lumalabis sa pagpapahayag ng dakilang pag-ibig para sa katotohanan, at kung may kinalaman sa mga salita, ay may pagnanais na makitang lumago ang katotohanan, ngunit walang ginagawa para sa paglago nito. Ang gayong pananampalataya ng isang tao ay patay, na hindi pinasakdal ng mga gawa. Kahit kailan ay hindi gumawa ang Panginoon ng gayong pagkakamali bilang pagbabago ng kaluluwa, at iniwan ang kaluluwang iyon sa ilalim ng kapangyarihan ng pagiging makasarili.— REVIEW AND HERALD, August 25,1874 . TKK 343.4