Sapagkat ang lahat na sa inyo na binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo. Walang Judio o Griyego, walang alipin o malaya, walang lalaki o babae, sapagkat kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus. Galacia 3:27, 28. TKK 344.1
Walang pagkakaiba sa mga bagay ng nasyonalidad, lahi, o pamilya, ang kinikilala ng Diyos. Siya ang lumikha sa buong sangkatauhan. Isang pamilya ang lahat ng tao sa pamamagitan ng paglikha, at iisa lahat sa pagtubos. Naparito si Cristo para wasakin ang pader na humahadlang, para gawing bukas ang bawat bahagi ng templo, upang ang bawat kaluluwa ay magkaroon ng malayang pasukan palapit sa Diyos.— CHRIST’S OBJECT LESSONS, p. 386 . TKK 344.2
Walang kinikilalang lahi o kulay ang relihiyon ni Cristo. Isinasantabi nito ang ranggo, kayamanan, makasanlibutang pagkilala. Tinatantiya ng Diyos ang tao bilang tao. Sa Kanya, karakter ang nagpapasiya ng kanilang kahalagahan. At dapat nating kilalanin ang Espiritu ni Cristo sa kaninumang Siya ay naihayag.— TESTIMONIES fOR THE CHURCH, vol. 9, p. 223 . TKK 344.3
Sa gayon ay sinikap ni Cristo na turuan ang mga alagad sa katotohanan na sa kaharian ng Diyos ay walang palatandaan ng teritoryo, walang lahi, walang aristokrasya; upang makahayo sila sa lahat ng bansa, na pinatutunayan sa kanila ang mensahe ng pag-ibig ng Tagapagligtas.— THE Acrs of THE APOSTLES, p. 20 . TKK 344.4
Ang mga pader ng sektarianismo at kasta at lahi ay babagsak kapag ang tunay na espiritu ng pagiging misyonero ay pumasok sa puso ng mga tao. Ang hindi matuwid na palagay ay matutunaw sa pamamagitan ng pag-ibig ng Diyos.— REVIEW AND HERALD, January 21,1896 . TKK 344.5
Ang mga pader ng paghihiwalay ay naitayo sa pagitan ng mga puti at itim. Ang pader na ito ng hindi matuwid na palagay ay magpapakumbaba sa sarili nila kung paano ang pader ng Jerico, kapag sinunod ng mga Kristiyano ang Salita ng Diyos, na siyang nagtatagubilin sa kanila ng pinakadakilang pag- ibig sa kanilang Manlilikha at walang pinapanigang pag-ibig sa kanilang mga kapwa.— REVIEW AND HERALD, December 17,1895 . TKK 344.6
Kapag ibinuhos ang Banal na Espiritu, magkakaroon ng pagtatagumpay ng sangkatauhan laban sa hindi matuwid na palagay sa pagsisikap para sa kaligtasan ng mga kaluluwa ng mga tao. Pipigilin ng Diyos ang mga kaisipan. libig ang mga puso ng mga tao kung paanong umibig si Cristo. At ang mga kulay ay ibibilang ng karamihan na talagang iba sa paraan kung paanong ito ay ibinibilang ngayon. Ang umibig kung paano umibig si Cristo ay nagtataas ng isipan sa malinis, makalangit, at hindi makasariling kapaligiran.— TESTIMONIES fOR THE CHURCH, vol. 9, p. 209 . TKK 344.7