Dumating ang takot sa bawat tao at maraming kababalaghan at tanda ang nangyari sa pamamagitan ng mga apostol, At ang lahat ng mga mananampalataya ay magkakasama at ang kanilang ari-arian ay para sa lahat, Mga Gawa 2:43-45, TKK 345.1
Hindi ito dahil sa kakuriputan sa bahagi ng Diyos na may kakulangan ng Banal na Espiritu sa ating mga iglesya. Ang kakulangang ito, ang mga iglesya lamang ang makapagbabago. Sinabi ng Diyos sa Kanyang bayan, “Bumangon at lumikha ng pagnanais sa mga banal na bagay.” Nasaan ang ating pananampalataya? Paano natin ipinagpapatuloy ang tamang relasyon kay Jesu-Cristo? Sinusundan ba natin Siya sa pagtanggi sa sarili at katatagan? Atin bang sinasalita ang katotohanang may pagkaunawa? Kapag ibinuhos ng Diyos ang Kanyang Espiritu sa mga iglesya, sila ay magbubunga sa Kanyang kaluwalhatian. Ang tabak ng Espiritu, bagong hasa taglay ang kapangyarihan, ay puputol sa magkabilang paraan. TKK 345.2
May maalab na trabahong dapat gawin sa bukirin ng Diyos. Ang ikatlong mensahe ng anghel ay ihahayag ng may malakas na tinig sa buong lupain. Bawat palatandaan ng pangangalakal na nanganganak ng panlilinlang, ang bawat hibla ng pagiging makasarili, ay kailangang alisin sa pamamagitan ng huling ulan. Ang lahat ng pagsamba sa diyus-diyosan ay dapat matupok. Ibagsak ang bawat altar, maliban sa isang nagpapabanal sa kaloob at sa nagkakaloob—ang krus ng Kalbaryo. TKK 345.3
Dadagdag sa kaharian ng Diyos ang bagong teritoryo. Lilinangin bilang hardin ng Panginoon ang bagong malawak na sukat ng bukirang moral. Itatatag ang karangalan ng kautusan ng Diyos sa harapan ng hindi nagkasalang mga sanlibutan, sa harapan ng makalangit na kalawakan, at sa harapan ng nagkasalang mundo. Darating ang pinakamapait na pag-uusig, ngunit sa pagbangon ng Sion, at pagkasuot ng kanyang magandang mga kasuotan, magliliwanag siya sa kagandahan ng kabanalan. Idinisenyo tayo ng Diyos para magkaroon higit na buhay at higit na kapangyarihan, sapagkat bumangon ang kaluwalhatian ng Diyos sa iglesya. Kung tinanggap ang katotohanan, ang hindi maganda tingnan na pagkabaog ay hindi na iiral pa. Ang Salita ni Cristo ay buhay na walang hanggan sa tumanggap.— BIBLE TRAINING SCHOOL, Deeember 1,1903. TKK 345.4