Ilagak ninyo sa kanya ang lahat ng inyong kabalisahan, sapagkat siya'y nagmamalasakit sa inyo. Magpakatino kayo, magbantay kayo. Ang diyablo na inyong kaaway ay tulad ng leong gumagala at umuungal, na humahanap ng kanyang malalapa. 1 Pedro 5:7, 8. TKK 347.1
Kung kukumbinsihin ang sanlibutan sa kasalanan bilang sumalangsang sa kautusan ng Diyos, ito ay sa pamamagitan ng Banal na Espiritu na gumagawa sa pamamagitan ng mga tao bilang instrumento. Kailangang ang iglesya ay ugain sa tila kamatayang pagkatulog; sapagkat naghihintay ang Panginoon na pagpalain ang Kanyang bayan na kikilala sa pagpapala kapag dumating ito, at lumaganap ito sa isang malinaw at malakas na sinag ng liwanag. “Ako'y magwiwisik ng malinis na tubig sa inyo; kayo'y magiging malinis. . . . Aking ilalagay ang aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin ko kayo nang ayon sa aking mga tuntunin” (Ezekiel 36:25-27). TKK 347.2
Kung ang kaparangan ng iglesya ay magiging isang mabungang bukid, at ang mabungang bukid ay magiging kagubatan, sa pamamagitan ito ng Banal na Espiritu ng Diyos na ibinuhos sa Kanyang bayan. Matagal nang naghihintay ang mga ahensya ng langit sa mga tao, sa miyembro ng iglesya, na makipagtulungan sa kanila sa dakilang gawaing isasagawa. Naghihintay sila sa inyo. Napakalawak ng bukid, napakalawak ng saklaw ng disenyo, upang ang bawat pusong pinabanal ay ididiin sa paglilingkod bilang ahente ng banal na kapangyarihan. TKK 347.3
Sa gayunding panahon ay may kapangyarihang nagpapakilos sa lahat ng bagay mula sa ilalim. Ang pagkilos ng mga masasamang anghel ay mahahayag sa pandaraya, mga paglinlang, at mga kalamidad, at sa mga nasawi at mga krimeng hindi ordinaryong uri. Habang ang Diyos ay gumagamit ng mga anghel ng kaawaan para gumawa sa pamamagitan ng mga tao, pinakikilos ni Satanas ang kanyang mga ahensiya, inilalagay sa ilalim ng pagkilala ng lahat ng kapangyarihang napapasakop sa kanyang pangunguna. Magkakaroon ng maraming panginoon at maraming diyos. Ang panawagan ay maririnig, “Tingnan ninyo, narito ang Cristo” at “tingnan ninyo, siya'y naroroon.” Ang malalim na pagbabalangkas ni Satanas ay ihahayag ang mga paggawa nito sa lahat ng dako, para sa layuning guluhin ang atensyon mula sa kasalukuyang tungkulin. Ang pagpapakita ng mga bulaang Cristo ay gigising sa mga mapanlinlang na pag-asa sa isipan niyaong mga papayagan ang sarili nilang madaya. Ang iglesyang gising ay babangon sa pangangailangan, at ang pagpapahayag ng mga kapangyarihan ni Satanas ay ipakikita sa tunay na liwanag nito sa harapan ng mga mananampalataya.— GENERAL cONFERENCE DAILYBULLETIN, February 28,1893 . TKK 347.4