At narinig ko ang isa pang tinig na mula sa langit na nagsasabi, “Magsilabas kayo sa kanya, bayan ko, upang huwag kayong madamay sa kanyang mga kasalanan, at huwag kayong makabahagi sa kanyang mga salot”‘ Apocalipsis 18:4. TKK 348.1
Sa kabila ng malawakang pagbagsak ng pananampalataya at kabanalan, may mga tunay na tagasunod ni Cristo sa mga iglesyang ito. Bago ang huling pagdalaw ng mga paghatol ng Diyos sa sanlibutan ay magkakaroon sa kalagitnaan ng bayan ng Diyos ng isang rebaybal ng sinaunang kabanalang hindi pa kailanman nakita mula ng panahon ng mga apostol. Ibubuhos ang Espiritu at kapangyarihan ng Diyos sa Kanyang mga anak. Sa panahong iyon marami ang ihihiwalay ang kanilang sarili mula sa iglesya kung saan ang pag-ibig sa sanlibutang ito ay pigil ang pag-ibig sa Diyos at sa Kanyang Salita. Marami, sa mga ministro at sa mga tao, ang masayang tatanggap ng mga dakilang katotohanang iyon na ginawa ng Diyos na maipangaral sa panahong ito para maghanda ng mga tao para sa ikalawang pagbabalik ng Panginoon. TKK 348.2
Nagnanais ang kaaway ng mga kaluluwa na pigilan ang gawaing ito, at bago ang panahong iyon na darating ang mga gayong pagkilos, kanyang sisikaping pigilan ito sa pamamagitan ng pagpapasok ng huwad. Sa mga iglesyang madadala niya sa ilalim ng kanyang mapanlinlang na kapangyarihan kanyang palalabasing ang espesyal na pagpapala ng Diyos ay ibinuhos; may mga pagpapakita kung saan iisipin itong isang dakilang bagay ng relihiyon. Maraming magpapakasayang ang Diyos ay gumagawa ng kahanga-hanga para sa kanila, kung saan ang paggawa ay sa ibang espiritu. Sa ilalim ng relihiyisong kasuotan, palalawakin ni Satanas ang kanyang impluwensiya sa mundo ng mga Kristiyano. TKK 348.3
Sa maraming mga rebaybal na nangyari sa loob ng nakalipas na kalahating daang taon, ang gayunding impluwensiya ang gumagawa, sa mas malaki o mas maliit na antas, iyon ay magpapakita sa mas malawak na mga pagkilos sa darating. Magkakaroon ng kagalakang emosyonal, ang paghahalo ng tunay at kasinungalingan, na hinango upang magligaw. Ngunit hindi kailangang madaya ninuman. Sa liwanag ng Salita ng Diyos ay hindi mahirap kilalanin ang likas ng mga kilusang ito.— THE GREAT CONTROVERSY, p. 464. TKK 348.4