“Sa panahong iyon ay tatayo si Miguel, ang dakilang pinuno na tagapag-ingat ng iyong bayan, At magkakaroon ng panahon ng kaguluhan na hindi pa nangyari kailanman mula nang magkaroon ng bansa hanggang sa panahong iyon, Ngunit sa panahong iyon ay maliligtas ang iyong bayan, bawat isa na ang pangalan ay matatagpuang nakasulat sa aklat” Daniel 12:1. TKK 349.1
Habang ang mga miyembro ng katawan ni Cristo ay lumalapit sa panahon ng huling pakikipaglaban, “ang oras ng kapighatian ni Jacob,” lalago sila kay Cristo, at makikibahagi sa malaking sukat ng Kanyang Espiritu. Habang ang ikatlong mensahe ay nagiging malakas na tinig, at habang ang dakilang kapangyarihan at kaluwalhatian ay makikita sa pagsasara ng gawain, tatanggap ang tapat na bayan ng Diyos ng kaluwalhatiang iyon. Ang huling ulan ang bubuhay at magpapalakas sa kanila para malagpasan ang panahon ng kapighatian. Magliliwanag ang kanilang mga mukha na may kaluwalhatian ng liwanag na iyon na makikita sa ikatlong anghel. TKK 349.2
Nakita kong ang Diyos sa kahanga-hangang paraan ay iingatan ang Kanyang bayan sa panahon ng kapighatian. Kung paanong nagbuhos si Jesus ng Kanyang kaluluwa sa matinding paghihirap sa hardin, sila'y taimtim na tatawag at maghihirap araw at gabi para sa kaligtasan. Ang kautusan ay ipahahayag na dapat nilang balewalain ang Sabbath ng ikaapat na utos, at kilalanin ang unang araw, o mawalan sila ng buhay; ngunit hindi sila susuko, at aapakan sa ilalim ng kanilang mga paa ang Sabbath ng Panginoon, at kikilalanin ang institusyon ng kapapahan. Papalibot sa kanila ang mga lingkod ni Satanas at masasamang tao, at magpapakasaya laban sa kanila, dahil parang walang daan para makatakas sila. Ngunit sa kalagitnaan ng kanilang maingat at magulong pagsasaya at tagumpay, maririnig ang mga dagundong ng magkakasunod na mga pinakamalalakas ng mga kulog. Ang kalangitan ay mangingitim, at naliliwanagan lamang sa pamamagitan ng nagliliyab na liwanag at nakatatakot na kaluwalhatian mula sa langit, habang ang Diyos ay nagsalita ng Kanyang tinig mula sa Kanyang banal na tahanan. TKK 349.3
Nayanig ang pundasyon ng sanlibutan; ang mga gusali ay nayanig at bumagsak sa isang nakatatakot na pagguho. Ang dagat ay kumulo na gaya ng palayok, at ang buong mundo ay nasa isang nakatatakot na kaligaligan. Nabaligtad ang pagkabihag ng mga matuwid, at ang mga matatamis at banal na mga bulong ay sinasabi nila sa isa't isa, “Tayo ay iniligtas. Iyon ay tinig ng Diyos.” Taglay ang banal na paghanga ay pinakinggan nila ang tinig ng mga salita.— TESTIMONIES fOR THE CHURCH, vol. 1, pp. 353, 354. TKK 349.4