“Subalit maging handa kayo sa bawat panahon, na nananalanging magkaroon kayo ng lakas upang makatakas sa lahat ng mga bagay na ito na mangyayari, at upang makatayo kayo sa harapan ng Anak ng Tao,” Lueas 21:36, TKK 350.1
Yaong mga nag-aangking mananampalataya na darating sa panahon ng kapighatiang hindi handa, ay, sa kanilang kawalan ng pag-asa, magpahayag ng kanilang mga kasalanan sa sanlibutan sa mga salita ng nag-aapoy na pagdadalamhati, habang nagkakatuwaan sa kanilang pagdurusa ang masasama. Ang kondisyon ng mga gayon ay walang pag-asa. Kapag tumayo si Cristo, at iwan ang kabanal-banalang dako, ang panahon ng kapighatian ay nagpasimula, nadesisyunan na ang kaso ng bawat kaluluwa, at wala nang tumutubos na dugo para maglinis ng mga kasalanan at karumihan. Habang nililisan ni Jesus ang pinakabanal na dako, nagsasalita Siya sa himig ng desisyon at awtoridad: “Ang masama ay hayaang magpakasama pa at ang marumi ay hayaang magpakarumi pa, at ang matuwid ay hayaang maging matuwid pa, at ang banal ay hayaang magpakabanal pa” (Apocalipsis 22:11, 12). TKK 350.2
Yaong mga nagpaliban ng paghahanda para sa kaarawan ng Diyos ay hindi magkakaroon nito sa panahon ng kapighatian, o sa alinmang panahong darating. Ang mga matuwid ay hindi titigil sa kanilang taimtim at nagdadalamhating pagtawag para sa pagliligtas. Hindi nila madadala sa isipan ang anumang partikular na kasalanan; ngunit sa kanilang buong buhay ay nakakikita lamang sila ng maliit na kabutihan. Ang kanilang mga kasalanan ay nauna na sa kahatulan, at ang kapatawaran ay naisulat na. Ang kanilang mga kasalanan ay inalis palayo tungo sa lupain ng pagkamakalimot, at hindi na ito maibabalik sa kanilang alaala. Ang tiyak na pagkawasak ay nagbabanta sa kanila, at, gaya ni Jacob, ang kanilang pananampalataya ay hindi mangyayaring hihina dahilan ang kanilang panalangin ay hindi dininig agad. Sa pamamagitan ng pagdurusa ng matinding kirot ng gutom, hindi sila titigil sa kanilang pananalangin. Nanghahawak sila sa lakas ng Diyos, kung paanong si Jacob ay nanghawak sa anghel; ang salita ng kanilang mga kaluluwa ay “Hindi kita bibitawan malibang ako ay mabasbasan mo” (Genesis 32:26). TKK 350.3
Ang panahon ng kabalisahan at dalamhati ay nangangailangan ng pagsisikap ng pagiging taimtim at determinadong pananampalatayang kayang harapin ang pagkaantala at gutom at hindi babagsak sa kabila ng kahinaan, bagamat mahigpit na dumaan sa pagsubok. Ang panahon ng probasyon ay oras na ipinagkaloob sa lahat upang maghanda sa kaarawan ng Diyos.— SIGNS of THE TIMES, November 27,1879 . TKK 350.4