Makipaglaban ka sa mabuting pakikipaglaban ng pananampalataya, panghawakan mo ang buhay na walang hanggan na dito'y tinawag ka, at ipinahayag mo ang mabuting pagpapahayag sa harapan ng maraming mga saksi. 1 Timoteo 6:12. TKK 354.1
Sa masigasig at determinadong paggawa bilang mga tapat na sundalo, na sumusunod sa utos ng Kapitan ng ating kaligtasan, mayroong tunay na kasiyahang hindi makikita sa ibang trabaho. Ang kapayapaan ni Cristo ay mapapasapuso ng mga tapat na sundalo. May kapahingahan ng kaluluwa sa pagsusuot ng pamatok ni Cristo, sa pag-aangat ng mga pasanin ni Cristo. Parang magkasalungat na sabihing walang kapahingahan sa kaluluwa maliban doon sa matatagpuan sa patuloy at matapat na paglilingkod. Ngunit totoo ito. Dumarating ang kaligayahan sa handang kalooban, masunuring paglilingkod, kung saan ang lahat ng kapangyarihan ng ating pagkatao ay kumikilos sa masaya, malusog, at nagkakaisang kilos sa pagsunod sa utos ng Kapitan. Ang higit na pagiging responsable ng tungkuling ipinagagawa sa isang sundalo, ang kaluluwa ay higit na nagbubunyi sa pag-ibig at pagsangayon ng Tagapagligtas. Nakikilala ng kaluluwa ang Kalayaan sa pagsasagawa ng pinakamabigat at pinakanakapapagod na mga tungkulin. TKK 354.2
Ngunit ang paggawa ng tungkuling ito ng sundalo ay nangangahulugang trabaho. Hindi ito trabahong lagi nating pipiliin. Kailangang harapin ng mga sundalo ni Jesus ang panlabas na sagabal, kahirapan, at mga pagsubok. Laging may patuloy na pakikipagdigmaang dapat panatilihin laban sa mga masasama at mga kinahiligan ng ating natural na mga puso. Hindi tayo dapat mamulot o mamili ng trabahong pinakamagaan sa atin; sapagkat mga sundalo tayo ni Cristo, nasa ilalim ng Kanyang pagdisiplina, at hindi natin dapat pag-aralan ang sarili nating kasiyahan. Dapat tayong makipaglaban sa digmaan ng Panginoon na may pagkaginoo. May mga kalaban tayong sasakupin na makakukuha ng ating pangunguna sa lahat nating mga kapangyarihan. TKK 354.3
Dapat mamatay ang pansariling kalooban; si Cristo lamang ang tanging dapat sundin. Dapat matuto ang mga sundalo sa kawan ni Cristo na harapin ang kahirapan, tanggihan ang sarili, pasanin ang krus, at sumunod kung saan itinuturo ng Kapitan ang daan. Maraming mga bagay na kailangang gawing mahirap sa likas ng tao, at mahapdi sa laman at dugo. Ang gawaing ito ng pagsupil sa sarili ay kinakailangan ang determinasyon at nagpapatuloy na pagsisikap. Sa pakikibaka sa mabuting pakikipaglaban ng pananampalataya, sa pagkuha ng mahahalagang tagumpay, humahawak tayo sa walang hanggang buhay.— THE YOUTH’S INSTRUCTOR, Deeember 22,1886 . TKK 354.4