Mga minamahal, huwag kayong magtaka tungkol sa mahigpit na pagsubok na dumarating sa inyo upang kayo'y subukin, na waring may isang kataka-takang bagay na nangyayari sa inyo, Kundi kayo'y magalak, yamang kayo nakikibahagi sa mga pagdurusa ni Cristo, upang kayo man ay matuwa at sumigaw sa galak kapag ang kaluwalhatian niya ay nahayag, 1 Pedro 4:12,13. TKK 355.1
A ng pagsalungat na kinakaharap natin ay maaaring maging kapakinabangan sa atin sa maraming paraan. Kung hinarap ito ng mabuti, magpapaunlad ito ng mga kakayahang maaaring hindi makita kung walang titiisin ang mga Kristiyano. At ang pananampalataya, pagtitiis, kahinahunan, makalangit na kaisipan, pagtitiwala sa Diyos, at tunay na pakikiramay sa mga nagkakamali, ay resulta ng mga pagsubok na hinarap ng maayos. Ang mga ito ay mga biyaya ng Espiritu, na umuusbong, namumulaklak, at nagbubunga sa gitna ng mga pagsubok at kasawian. Ang kaamuan, pagpapakumbaba, at pag-ibig ay palaging lumalago sa Cristianong puno. Kung tinatanggap ang salita sa mabuti at tapat na mga puso, mapasusuko ang sutil na kaluluwa, at ang pananampalataya, na humahawak sa mga pangako, at umaasa kay Jesus, ay mapapatunayang matagumpay. “Ito ang tagumpay na dumadaig sa sanlibutan, ang ating pananampalataya” (1 Juan 5:4). TKK 355.2
Siyang nagbubukas ng mga Kasulatan, at kumakain sa makalangit na mana, ay nagiging kabahagi sa banal na likas. Walang siyang buhay o karanasang hiwalay kay Cristo. Naririnig niya ang tinig ng Diyos na nagsasalita, “Ito ang minamahal kong Anak, sa kanya ako lubos na nalulugod” (Mateo 3:17). Ang tinig na iyon ay kasiguruhan sa kanyang tinanggap siya sa Minamahal. At nalalaman niyang sa karakter ay dapat siyang maging gaya sa Kanya kung kanino ang Diyos ay naluluwalhati. Buong tinanggap ng Diyos si Jesus bilang ating kahalili, ating kasiguruhan, sa gayon ang lahat ng mga ipinangalan ang ngalan ni Cristo ay humiwalay sa lahat ng kasamaan, at maging kaisa kasama ni Cristo sa karakter, upaung hindi ikahiya ni Cristo na tawagin tayong mga kapatid. TKK 355.3
Siya na ating pinagtitiwalaan ay pinatunayang ang Kanyang sarili na laging tulong sa lahat ng panahon ng pangangailangan; at habang nananahan tayo kasama Niya, tayo'y lumalagong lalo sa Kanyang larawan. “At tayong lahat, na walang talukbong ang mukha, na nakikita ang kaluwalhatian ng Panginoon gaya ng sa isang salamin, ay nababago sa gayunding larawan, mula sa kaluwalhatian tungo sa kaluwalhatian, sapagkat ito ay mula sa Panginoon na siyang Espiritu” (2 Corinto 3:18). “Sapagkat ang Diyos ang nagsabi, ‘Magningning ang ilaw sa kadiliman,’ na siyang tumatanglaw sa aming mga puso upang magbigay- liwanag sa pagkakilala sa kaluwalhatian ng Diyos sa mukha ni Jesu-Cristo” (2 Corinto 4:6).— REVIEW AND HERALD, June 28,1892 . TKK 355.4