“Kaya't magalak kayo, O mga langit at kayong mga naninirahan diyan! Kahabag- habag ang lupa at dagat sapagkat ang diyablo'y bumaba sa inyo na may malaking poot, palibhasa'y alam niya na maikli na lamang ang kanyang panahon!” Apocalipsis 12:12, TKK 356.1
Yaong ipinagkakatiwala ang lahat nila sa Diyos ay hindi maiiwang hindi nagagambala ng kaaway ng mga kaluluwa. Lalapit sa kanila si Satanas taglay ang kanyang pakunwaring mga panunukso, pinaplanong hikayatin sila mula sa kanilang katapatan sa Diyos. Ipakikita niya sa kanila ang kanyang suhol, gaya ng ginawa niya kay Cristo sa pagtukso sa ilang, na nagsasabing, “Ang lahat ng mga ito ay ibibigay ko sa iyo, kung ikaw ay magpapatirapa at sasamba sa akin” (Mateo 4:9). TKK 356.2
Ngunit ano ang dapat na maging tugon ng mga Kristiyano sa lahat ng mga pagtukso ng masama? Dapat niyang sabihin, “Hindi ko ibibigay ang aking impluwensiya sa anumang paraan sa ikauusad ng anuman maliban lamang sa gawain ni Cristo. Ang sarili ko ay hindi akin; binili ako sa halaga. Hindi ako mabubuhay para luwalhatiin ang aking sarili, sapagkat ako'y binili, tinubos ng dugo ni Cristo. Hindi maaari para sa akin na maibigay kay Cristo ang higit sa anumang pag-aari Niya; sapagkat Kanya ang bawat sandali ng aking buhay. Pag-aari Niya ako, isang lingkod na binigyang trabaho para gawin ang kalooban ng aking Panginoon.” TKK 356.3
Ito lamang ang tanging posisyon na ligtas nating kalagyan; at kung makaramdam ng ganito ang bawat isang miyembro ng iglesya, malaking kalakasan ang ipagpupunyagi para makaakay ng mga kaluluwa kay Cristo. Ang hindi taos-pusong gawaing ito, ang pagsisikap na maglingkod sa Diyos at sa demonyo sa parehong pagkakataon, na ginagawang dukha sa Espiritu ng Diyos ang iglesya. TKK 356.4
Kung saan napasasakop sa Diyos ang iglesya, kung saan nagkakaisa sila ng Espiritu, sa tali ng kapayapaan, kung saan sila ay inorganisa para sa layunin ng pagkakaloob impluwensiya ng ikabubuti sa iba ng, ang iglesya ay tunay na magiging kinatawan ni Cristo sa sanlibutan sa karakter at buhay, libo ang mga maaakit sa Tagapagligtas, silang ngayon ay may dahilan para punahin ang mga salita at mga gawa niyaong mga nagpapahayag ng pangalan ni Cristo. TKK 356.5
“Sapagkat ang Diyos ang nagsabi, ‘Magningning ang ilaw sa kadiliman,’ na siyang tumatanglaw sa aming mga puso upang magbigay-liwanag sa pagkakilala sa kaluwalhatian ng Diyos sa mukha ni Jesu-Cristo. Ngunit taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa, upang ipakita na ang naguumapaw na kapangyarihan ay mula sa Diyos, at hindi mula sa amin” (2 Corinto 4:6, 7).— HOME MISSIONARY, October 1,1892, par. 3. TKK 356.6