Sapagkat ang sinumang ipinanganak ng Diyos ay dumadaig sa sanlibutan at ito ang tagumpay na dumadaig sa sanlibutan, ang ating pananampalataya, 1 Juan 5:4, TKK 359.1
H abang nagsusumamo si Jesus, ang ating Tagapamagitan, para sa atin sa langit, gumagawa sa atin ang Banal na Espiritu, sa pagnanasa at paggawa ayon sa Kanyang mabuting kalooban. Interesado ang buong langit sa kaligtasan ng mga kaluluwa. Kung gayon ay anong dahilan mayroon tayo para magduda na ang Panginoon ay tutulong at tumutulong sa atin? Tayong mga nagtuturo sa mga tao ay dapat na sa sarili natin ay may pakikipag-ugnayan sa Diyos. Sa Espiritu at sa Salita dapat tayo maging bukal para sa mga tao, dahil si Cristo na nasa atin ay bukal ng tubig na bumubukal sa buhay na walang hanggan. Maaaring subukin ng kalungkutan at pasakit ang ating pagtitiis at ating pananampalataya; ngunit kasama natin ang ningning ng presensiya ng Hindi Nakikita, at dapat nating itago ang sarili natin sa likod ni Jesus. TKK 359.2
Salitain ang lakas ng loob sa iglesya; itaas sila sa Diyos sa panalangin. Sabihin sa kanila na kung maramdaman nilang nagkasala sila, at hindi makapanalangin, iyon ang pagkakataon upang manalangin. Marami ang napapahiya sa kanilang mga kabiguan, na napagtagumpayan sila ng kaaway sa lugar ng pagtatagumpay. Nagpahina sa kanila ang pagkamakasanlibutan, pagkamakasarili, at karnalidad, at iniisip nilang walang pakinabang sa paglapit sa Diyos, ngunit isa sa mga mungkahi ng kaaway ang isipang ito. Nahihiya man sila, at lubos na magpakumbaba, ngunit sila'y dapat na manalangin at manampalataya. Habang ipinahahayag ang kanilang mga kasalanan, Siyang tapat at matuwid ay patatawarin sila sa kanilang mga kasalanan, at lilinisin sila sa kanilang karumihan (tingnan ang 1 Juan 1:9). Bagamat malayo ang isip habang nananalangin, huwag panghinaan ng loob, dalhin ito muli sa luklukan, at huwag iwan ang luklukan ng awa hanggang taglayin mo ang tagumpay. TKK 359.3
Dapat mo bang isiping ang iyong tagumpay ay patutunayan ng malakas na emosyon? Hindi; “ito ang tagumpay na dumadaig sa sanlibutan, ang ating pananampalataya” (1 Juan 5:4). Alam ng Diyos ang ninanasa mo; sa pamamagitan ng pananampalataya ay maging malapit sa Kanya, at asahan ang pagtanggap ng Banal na Espiritu. TKK 359.4
Pangungunahan ng gawain ng Banal na Espiritu ang lahat ng ating espiritwal na gawain. Ipinakaloob ng Ama ang Kanyang Anak para sa atin upang sa pamamagitan ng Anak ang Banal na Espiritu ay mapasaatin, at akayin tayo tungo sa Ama. Sa pamamagitan ng ahensiya ng Diyos, tayo ay may espiritu ng pamamagitan, kung saan maaaring tayong makiusap sa Diyos, habang nakikiusap ang tao para sa kanyang kapatid.— SIGNS OF THE TIMES, October 3,1892 . TKK 359.5