“Ang magtagumpay ay magmamana ng mga bagay na ito; at ako'y magiging Diyos niya at siya'y magiging anak ko” Apocalipsis 21:7 TKK 381.1
Huwag kang panghinaan ng loob; huwag kang manglupaypay. Bagaman ikaw ay mayroong mga tukso; bagaman napapaligiran ka ng tusong kaaway; gayunman, kung ang takot ng Diyos ay nasa harapan mo, ipapadala sa iyong tulong ang mga anghel na napakahusay sa lakas, at ikaw ay magiging higit pa bilang isang kapantay ng mga kapangyarihan ng kadiliman. Nabubuhay si Hesus. Namatay Siya upang gumawa ng paraan ng pagtakas para sa nagkasalang lahi; at nabubuhay Siya upang mamagitan para sa atin, upang itaas tayo sa Kanyang sariling kanang kamay. Magkaroon ng pag-asa sa Diyos. Naglalakbay ang mundo sa malawak na daan; at habang naglalakbay ka sa makitid na daan, at magkakaroon ng mga pamunuan at kapangyarihang lalabanan, at mga pagsalungat ng kaaway na sasalubungin, alalahaning may pagtustos na inihanda para sa iyo. Tulong ay inilagay sa Isang makapangyarihan; at sa pamamagitan Niya ikaw ay magtatagumpay. TKK 381.2
Lumabas ka mula sa kanila at humiwalay, sabi ng Diyos, at tatanggapin Ko kayo, at kayo'y magiging mga anak na lalaki at mga anak na babae ng Panginoong Manakapangyarihan sa lahat. Anong pangako ito! Isa itong pangako sa inyo na kayo ay magiging mga kaanib ng makaharing pamilya, mga tagapagmana ng makalangit na kaharian. Kung ang isang tao ay pinarangalan, o naiugnay sa kahit sinong maharlikang pinuno sa lupa, paanong ito ay umiikot sa mga pahayagan sa araw na yaon, at pinupukaw ang inggit nilang mga iniisip na ang sarili nila ay hindi masyadong pinalad. Subalit narito ang Isa na hari ng lahat, ang maharlikang pinuno ng sansinukob, ang pinanggalingan ng bawat mabubuting bagay; at sinasabi Niya sa atin, Gagawin Ko kayong Aking mga anak na lalaki at mga anak na babae; ipagkakaisa ko kayo sa Akin; kayo ay magiging kaanib ng maharlikang pamilya, at mga anak ng makalangit na Hari. TKK 381.3
At samakatuwid sinasabi ni Pablo, “Mga minamahal, yamang taglay natin ang mga pangakong ito, linisin natin ang ating mga sarili mula sa bawat karumihan ng laman at espiritu, na ginagawang sakdal ang kabanalan sa pagkatakot sa Diyos” (2 Corinto 7:1). Bakit hindi natin gagawin ito, kahit mayroon tayong ganoong panghihimok, ang pribilehiyong maging mga anak ng Kataas-taasang Diyos, ang pribilehiyong tawaging ating Ama ang Diyos ng langit?— REVIEW AND HERALD, May 31,1870. TKK 381.4