Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
ANG KASAYSAYAN NG MGA PROPETA AT MGA HARI - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Kabanata 3—Ang PagmamotQOS ng Kasaganaan

    Habang itinataas ni Solomon ang kautusan ng langit, ang Dios ay sumasakanya, at ang karunungan ay napasakanya upang pagharian ang Israel sa kahabagan at walang pinapanigan. Noong pasimula, habang ang kayamanan at karangalan ay dumarating sa kanya, nanadli siyang mababa, at dakila ang naabot ng kanyang impluwensya. “Si Solomon ay nagpupuno sa lahat ng kahanan na mula sa ilog [Eufrates] hanggang sa lupain ng mga Filisteo, at hanggang sa hangganan ng Egipto.” “Siya’y...may kapayapaan sa lahat ng mga dako sa palibot niya. At ang Juda at ang Israel ay nagsitahang tiwasay, na bawat tao’y sa ilalim ng kanyang puno ng ubas at sa ilalim ng kanyang puno ng igos,...sa lahat ng kaarawan ni Solomon.” 1 Hari 4:21, 24, 25.PH 46.1

    Datapuwat ang umaga ng dakilang pangako ay nadiliman ng pagtalikod. Itinala ng kasaysayan ang malungkot na katunayang siya na dnawag na Jedida,—“Minamahal ng Panginoon” (2 Samuel 12:25),—na pinarangalan ng Dios sa pamamagitan ng tanda ng kaluguran ng langit sa tanging paraan anupa’t ang kanyang karunungan at pagiging matuwid ay nag-ani sa kanya ng pansanlibutang katanyagan, siyang umakay sa iba upang mag-ukol ng parangal sa Dios ng Israel, ay bumalikwas upang sumamba sa mga diyus-diyusan ng mga pagano.PH 46.2

    Mga daang taon bago pa naghari si Solomon, sa pagkakita ng Panginoon sa mga panganib na kakaharapin ng mga mapipiling mangunguna sa Israel, ay ibinigay kay Moises ang instruksyon upang siyang uupo sa trono ng Israel ay “kanyang susuladn ang isang salin” ng kautusang ito sa “isang aklat na nasa harap ng mga saserdote ng mga Levita.” “At mamamalagi sa kanya,” sabi ng Panginoon, “kanyang babasahin sa lahat ng mga araw ng kanyang buhay: upang siya’y mag-aral na matakot sa Panginoon niyang Dios, upang isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito at ng mga palatuntunang ito: upang ang kanyang puso ay huwag magmataas sa kanyang mga kapadd, at siya’y huwag maligaw sa utos, maging sa kanan, o sa kaliwa: upang kanyang maparami ang kanyang mga araw sa kanyang kaharian, niya, at ng kanyang mga anak sa gitna ng Israel.” Deuteronomio 17:18-20.PH 46.3

    Kaugnay ng instruksyong ito ng Panginoon sa magiging hari, tiyakang nagbabala Siya na huwag “magpaparami ng mga asawa, upang huwag maligaw ang kanyang puso: ni huwag siyang magpaparami ng pilak at ginto.” Talatang 17.PH 47.1

    Alam ni Solomon ang mga utos na ito at sa ilang panahon ay sinunod niya. Pinakadakilang naisin niyang mabuhay at magharing ayon sa mga kautusang nabigay sa Sinai. Ang paraan ng kanyang pangunguna ay kabalintunaan ng mga ugali ng mga bansa ng kapanahunan niya—mga bansang walang takot sa Dios at nagyuyurak sa Kanyang banal na utos.PH 47.2

    Sa pagsisikap na mapalakas ang relasyon sa makapangyarihang kahanan sa dmog ng Israel, si Solomon ay pumasok sa pinagbabawal na bagay. Alam ni Satanas ang bunga ng pagsunod; at sa mga unang taon ng paghahari ni Solomon—maluluwalhati ang mga taon dahilan sa karunungan, pagiging mapagbigay, at matuwid ng hari—sinikap niyang magpasok ng mga impluwensyang magpapahina ng katapatan ni Solomon sa prinsipyo at mag-aakay sa kanya upang humiwalay sa Dios. Ang tagumpay ng kaaway dito ay makikita natin sa tala: “Si Solomon ay nakipagkamag-anak kay Faraon na hari sa Egipto, sa pag-aasawa niya sa anak na babae ni Faraon, at dinala niya sa Bayan ni David.” 1 Hari 3:1.PH 47.3

    Sa paningin ng tao, ang pag-aasawang ito, gayong laban man sa mga turo ng Dios, ay parang isang pagpapala; sapagkat ang asawa ni Solomon na walang pagkakilala sa Dios ay nahikayat at sumama sa kanya sa pagsamba sa tunay na Dios. Gayon din, ang Faraon ay naglingkod sa Israel sa paglusob sa Geser, at pinuksa “ang mga Cananeong naninirahan sa siyudad,” at ibinigay ito “na pinakabahagi sa kanyang anak na babae, na asawa ni Solomon.” 1 Hari 9:16. Muling itinayo ni Solomon ang siyudad na ito at dahil dito’y napalakas pa ang kaharian sa bahagi ng Mediteranea. Datapuwat sa palakipagkasundo sa mga bansang pagano, at tinatakan ang ugnayan sa pag-aasawa sa isang prinsesang sumasamba sa diyus-diyusan, walang patumanggang binaliwala ni Solomon ang pantas na probisyon ng Dios sa pagpapanatili ng kadalisayan ng Kanyang bayan. Ang pagasa na ang prinsesang Egipsiyong ito ay mahihikayat ay mahinang dahilan para sa pagkakasala.PH 47.4

    Sa ilang panahon ay hindi pinansin ng Dios ang kalunus-lunos na pagkakamaling ito dahilan sa Kanyang kahabagan; at ang hari, sa matalinong paraan ay nasugpo sana sa malaking bahagi ang naging pagpasok na ito ng puwersa ng kasamaan. Datapuwat nagsimula nang mawala kay Solomon ang pantanaw sa pinanggagalingan ng kapangyarihan at luwalhati. Ang hilig ay pumalit sa rason, ang tiwala sa sarili ay nadagdagan, at sinikap niyang isagawa ang kalooban ng Dios sa sariling paraan. Idinahilan niyang ang alyansa sa mga karatig na bansa sa komersyo at pulitika ay maghahatid sa mga bansang ito sa pagkilala sa tunay na Dios; at pumasok siya sa walang kabanalang alyansa sa mga bansa. Malimit na ang mga alyansang ito ay sa pamamagitan ng pag-aasawa sa mga prinsesang pagano. Ang mga utos ni Jehova ay isinantabi alang-alang sa mga kostumbre ng mga bayang nakapalibot dito.PH 48.1

    Pinapurihan ni Solomon ang sarili sa isipang sa pamamagitan ng pakikipag-asawa ay maaakay ang kanyang mga asawa sa pamamagitan ng karunungan at halimbawa mula sa pagsamba sa diyus-diyusan tungo sa pagsamba sa tunay na Dios, at gayon din na ang mga alyansang nabuo ay aakit sa mga nakapalibot na bansa sa malapit na kaugnayan sa Israel. Walang kabuluhang pag-asal Ang pagkakamali ni Solomon sa pag-iisip na malakas siya upang labanan ang impluwensya ng mga kasamang pagano ay nakamamatay. Gayon din, ang pandayang umakay sa kanya upang umasang sa kabila ng pagwawalang bahala sa kautusan ng Dios sa bahagi niya, ang iba naman ay maaakay na magpitagan at sumunod sa mga banal na utos na ito.PH 48.2

    Ang pakikipag-alyansa ng hari at relasyong komersyo sa mga bansa ay naghatid ng katanyagan, karangalan, at kayamanan ng mundong ito. Nakapagdala siya ng ginto mula sa Ophir at pilak mula sa Tarsish. “At ginawa ng hari ang pilak at ginto na maging gaya ng mga bato sa Jerusalem, at ang mga sedro na maging gaya ng mga sikomoro na nangasa mababang lupa dahil sa kasaganaan.” 2 Cronica 1:15. Ang kayamanan, kasama ng mga tukso nito, ay dumating sa maraming tao sa panahon ni Solomon; ngunit ang pinong ginto ng likas ay lumabo at nasira.PH 48.3

    Unti-unti ang pagtalikod ni Solomon na bago niya ito nalaman ay malayo na siya sa Dios. Hindi niya napapansing lumiliit ang kanyang tiwala sa pagpatnubay at pagpapala ng Dios, at ang tiwala sa sarili ang kanyang inasahan. Unti-unti ay ikinait niya sa Dios ang walang pasubaling pagsunod na nagbukod sa Israel bilang bansang kakaiba, at unti-unti ring nakiayon siya sa mga ugali ng nakapalibot na mga bansa. Sa pagsuko sa mga tuksong kaugnay ng kanyang tagumpay at posisyon, nakalimutan niya ang Bukal ng kanyang kasaganaan. Ang ambisyong makahigit sa lahat ng bansa sa kapangyarihan at karangyaan ay umakay sa kanya upang pasamain ang mga kaloob ng langit para sa sariling kapakanan na dati ay ukol sa ikaluluwalhad ng Dios. Ang salaping dapat na iningatan bilang banal na pagkakatiwala para sa kapakanan ng mga dukha at pagpapalaganap ng mga simulain ng banal na pamumuhay sa buong mundo, ay makasariling nailagay sa mga proyektong ambisyoso.PH 48.4

    Sa marubdob na naising mahigitan ang ibang mga bansa sa panlabas na displey, kinaligtaan ng hari ang pangangailangan ng pagkakaroon ng kagandahan at kasakdalan ng likas. Sa hangaring maluwalhati ang sarili sa sanlibutan, ipinagbili niya ang sariling karangalan at integridad. Ang malaking buwis na nakuha mula sa komersyo sa maraming bansa ay dinagdagan pa ng mabibigat na buwis. Sa gayon ang kataasan, ambisyon, paglulustay, at pagtatamasa ay nagbunga ng pagmamalupit at paghihigpit. Ang masinop, at mabiyayang diwang likas ng mga unang taon ng paghahari at pakikitungo sa tao ay nabago na. Mula sa pinakapantas at pinakamahabaging pinuno, siya ay naging malupit Ang dating mahabagin at may pagkatakot sa Dios na tagapagsanggalang ng bayan, ay naging malupit na diktador. Ang buwis ay dumami nang dumami sa bayan, upang tustusan lamang ang korteng maluho.PH 49.1

    Nagsimulang magreklamo ang bayan. Ang respeto at paghangang dad ay nabigay sa hari ay napalitan ng muhi at kawalang kasiyahan.PH 49.2

    Bilang sanggalang laban sa pag-asa sa bisig na laman, nagbabala ang Panginoon sa kanilang mamumuno na huwag magpaparami ng kabayo. Ngunit winalang bahala ni Solomon ang utos na ito, “Ang mga kabayo na dnangkilik ni Solomon ay inilabas sa Egipto.” “At sila’y nagsipagdala ng mga kabayo mula sa Egipto at mula sa lahat ng mga lupain.” “Pinisan ni Solomon ang mga karo, at ang mga mangangabayo: at siya’y may isang libo’t apat na raang karo, at labing-dalawang libong mangangabayo, na kanyang inilagay sa mga bayan ng mga karo, at kasama ng hari sa Jerusalem.” 2 Cronica 1:16; 9:28; 1 Hari 10:26.PH 49.3

    At higit pang itinuring ng hari ang mga kaluhuan, sariling kadakilaan at ang pabor ng sanlibutan bilang palatandaan ng kadakilaan. Magaganda at kaakit-akit na babae ay dinala mula sa Egipto, Phoenicia, Edom, Moab, at maraming pang dako. Binibilang daandaan ang mga babaeng ito. Sila ay mananamba sa mga diyus-diyusan, at sila ay naturuan sa mga malulupit at nagpapababang mga rito. Sa pagkahumaling sa kanilang kagandahan, nakaligtaan at napabayaan ng hari ang tungkulin sa Dios at sa kanyang kaharian.PH 50.1

    Malakas ang naging impluwensya ng mga asawa ni Solomon sa kanya, at unti-unti ay nahikayat si Solomon na sumama sa kanilang pagsamba sa diyus-diyusan. Winalang bahala ni Solomon ang tagubiling kaloob ng Dios bilang sanggalang sa pagtalikod, at ngayon ay ibinigay ang sarili sa pagsamba sa mga huwad na diyos. “Nangyari, nang si Solomon ay matanda na, iniligaw ng kanyang mga asawa ang kanyang puso sa ibang mga diyos: at ang kanyang puso ay hindi naging sakdal sa Panginoon niyang Dios, na gaya ng puso ni David na kanyang ama. Sapagkat si Solomon ay sumunod kay Astaroth, diyosa ng mga Sidonio, at kay Milcom na karumal-dumal ng mga Ammonita.” 1 Hari 11:4, 5.PH 50.2

    Sa gawing timog ng bundok ng Olivo, sa kabila ng Moria, na doon ay nakatayo ang magandang templo ni Jehova, nagtayo si Solomon ng mga magandang gusaling gagamitin sa pagsamba sa mga diyos. Upang paluguran ang mga asawa, naglagay si Solomon ng mga malalaking rebulto, mga imahing kahoy at bato sa gitna ng mga mirto at olivo. Doon, sa harap ng mga diyos ng mga pagano, “Kemos, ang karumal-dumal ng Moab” at si “Moloch, ang kasuklam-suklam ng mga anak ni Ammon,” ay isinagawa ang mga nagpapababang rito ng paganismo. Talatang 7.PH 50.3

    Ang ginawa ni Solomon ay nagdala ng tiyak na parusa. Ang pagkahiwalay niya sa Dios sa pamamagitan ng ugnayan sa mga mananamba sa diyus-diyusan ay naging kawasakan niya. Nang iwaksi niya ang katapatan sa Dios, nawala sa kanya ang pagsupil sa sanli. Ang kalakasang moral ay nawala rin. Ang mga pinong pakiramdam ay namanhid, ang konsyensya ay nasunog. Siyang sa mga unang taon ng paghahari ay nagpakita ng gayong karunungan at simpatiya sa pagsasauli ng isang sanggol sa walang palad na ina (tingnan ang 1 Hari 3:16-28), ay nahulog nang napakababa upang pumayag na magtayo ng idolo na sa kanya ay ihahandog nang buhay ang mga sanggol. Siyang sa kabataan ay nagtamo ng pagkaunawa at direksyon, at sa malakas na kasibulan ay kinasihang sumulat “May daan na tila matuwid sa isang tao, ngunit ang dulo niyaon ay mga daan ng kamatayan” (Kawikaan 14:12), sa mga huling taon ay lumayong gayon sa kadalisayan upang makipag-ugnayan sa mga ritong malalaswa para kay Kemosh at Ashtoret. Siyang sa pagtatalaga sa templo ay nagwika sa bayan, “Ang inyong mga puso ay maging sakdal sa Panginoon nating Dios” (1 Hari 8:61), ay naging isang manlalabag, sa puso at kabuhayan at tinanggihan ang sariling mga salita. Pinagkamalan niya ang lisensya sa kalayaan. Sinikap nip—sa malaking kawalan!—upang ipagkasundo ang liwanag sa kadiliman, mabuti sa masama, kadalisayan sa karumihan, si Kristo kay Belial.PH 50.4

    Mula sa pagiging isa sa mga dakilang haring naghawak ng setro, si Solomon ay naging mahina, tau-tauhan at alipin ng iba. Ang likas na dati ay mataas at lalaking-lalaki, ay naging mahina at binabae. Ang pananampalataya sa Dios na buhay ay napalitan ng alinlangan ng walang pagkakilala sa Dios. Ang kawalang pagtitiwala ay sumira sa kanyang kaligayahan, nagpahina sa mga simulain, at nagpababa sa buhay. Ang katarungan at kadakilaan ng naunang taon ng paghahari ay napalitan ng kalupitan at pagmamalabis. Hamak, at mahinang likas ng tao! Halos walang magagawa ang Dios sa mga taong nawalan ng pagkadama ng pangangailangan sa Kanya.PH 51.1

    Sa mga taong ito ng pagtalikod, ang pagbulusok sa moral ng Israel ay patuloy. Paanong hindi magiging gayon kung ang hari ay nakipagkaisa sa mga ahensya ni Satanas? Sa pamamagitan ng mga ahensyang ito ay nalito ang bayan sa kanilang ugnayan sa tunay at huwad na pagsamba, at sila ay madaling nasilo. Ang komersyo sa ibang mga bansa ay naglapit sa kanila sa mga taong walang pag-ibig sa Dios, at ang kanilang pag-ibig sa Kanya ay nabawasan. Ang matalas na pagkadama ng mataas, at banal na likas ng Dios ay napamanhid. Sa pagtangging sumunod sa landas ng pagsunod, isinalin nila ang katapatan sa kaaway ng katuwiran. Naging palasak na ang pakikipagasawa sa mga sumasamba sa diyus-diyusan, at ang Israel ay mabilis na nawalan ng pagkamuhi sa pagsamba sa mga idolo. Ang pagkakaroon ng maraming asawa ay pinabayaan. Mga inang sumasamba sa mga diyos ay nagdadala ng mga anak sa mga ritong ito ng pagano. Sa buhay ng ilan, ang dalisay na serbisyong panrelihiyong itinatag ng Dios ay napalitan ng pagsamba sa diyusdiyusan sa pinakamaitim na kulay nito.PH 51.2

    Ang mga Kristiano ay dapat na ihiwalay ang sarili sa sanlibutan, sa diwa mto, at sa mga impluwensya nito. May kapangyarihan ang Dios na ingatan tayong lubusan sa sanlibutan, datapuwat hindi tayo para sa sanlibutan. Ang pag-ibig Niya ay hindi walang katiyakan o pabagubago. Lagi na lamang na Siya ay nagmamasid sa Kanyang mga anak sa malasakit na walang kapantay o sukat. Datapuwat hinihiling Niya ang walang pasubaling katapatan. “Sinuma’y hindi makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagkat kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa; o kaya’y magtatapat siya sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan.” Mateo 6:24.PH 52.1

    Si Solomon ay pinagkalooban ng kahanga-hangang karunungan, ngunit inilayo siya ng sanlibutan sa Dios. Ang mga tao ngayon ay hindi mas malakas kaysa kanya; sila ay madali ding madala ng impluwensyang nagpabagsak kay Solomon. Kung nagbabala ang Dios kay Solomon sa mga panganib, ngayon ay nagbababala din ang Dios sa Kanyang mga anak upang hindi nila ilagay sa panganib ang kanilang mga kaluluwa sa pakikiayon sa mundo. “Magsialis kayo sa kanila,” samo Niya, “at magsihiwalay kayo,...at huwag kayong magsihipo ng mga bagay na marumi, at kayo’y Aking tatanggapin, at Ako sa inyo’y magiging Ama, at sa Akin kayo’y magiging mga anak na lalaki at babae, sabi ng Panginoong Makapangyarihan sa lahat.” 2 Corinto 6:17, 18.PH 52.2

    Sa gitna ng kasaganaan ay nakabantay ang panganib. Sa buong kapanahunan, kayamanan at karangalan ay laging kaakibat ang panganib sa kababaan at espirituwalidad. Hindi ang sarong walang laman ang mahirap dalhin; kundi ang sarong puno hanggang labi ang dapat na maingat na balansihin. Ang kalungkutan at kagipitan ay maaaring magdala ng lumbay, datapuwat ang kasaganaan ang pinakamapanganib sa buhay espirituwal. Malibang ang tao ay laging napapasailalim sa kalooban ng Dios, malibang siya ay napabanal ng katotohanan, ang kasaganaan ay tunay na babangon ng mga natural na hilig na pangunahan ang Dios.PH 52.3

    Sa libis ng kahihiyan, na doon ang tao ay umaasa sa Dios upang sila ay maturuan at maakay sa bawat hakbang, ay mayroong maihahambing na kapanatagan. Datapuwat ang taong nakatayo sa mataas na taluktok, at dahilan sa posisyon, ay dapat sanang magtaglay ng karunungan—sila ang nasa pinakamalaking panganib. Malibang ang mga taong gayon ay umasa sa Dios, sila ay tiyak na babagsak.PH 52.4

    Sa tuwing ang pagmamataas at ambisyon ay pinagbibigyan, ang buhay ay nawawasak, sapagkat ang pagmamataas, hindi pagkadama ng pangangailangan, ay nagsasara sa puso sa walang sukat na pagpapala ng langit Siyang ginagawang layunin ang pagmamapuri sa sarili ay masusumpungang siya ay pulubi sa biyaya ng Dios, na sa bisa nito ang tunay na kayamanan at pinakadakilang kagalakan ay natatamo. Datapuwat siyang nagkakaloob ng lahat at ginagawa ang lahat para kay Kristo ay matututuhan ang katunayan ng pangako, “Ang pagpapala ng Panginoon ay nagpapayaman, at hindi Niya idinadagdag ang kapanglawan.” Kawikaan 10:22. Sa maraming dampi ng biyaya inaalis ng Tagapagligtas sa kaluluwa ang kawalang kapanatagan at walang kabanalang ambisyon, pinapalitan ang alitan ng pag-ibig at ang kawalang paniniwala ng kompiyansa. Kapag Siya ay nagsasalita sa kaluluwa na nagsasabi, “Sumunod ka sa Akin,” ang kulam ng enkanto ng sanlibutan ay nasisira. Sa Kanyang tinig ang diwa ng pagkagahaman at ambisyon ay tumatakas mula sa puso, at ang mga tao ay babangong pinalaya, upang sumunod sa Kanya.PH 53.1

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents