Kabanata 15—Si Josaphat
Hanggang siya ay tawagin sa trono sa gulang na tatlumpu’t-limang taon, si Josaphat ay nalantad sa magandang halimbawa ng mabuting haring si Asa, na sa lahat halos ng mga krisis ay ginawa niya, “ang matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon.” 1 Hari 15:11. Sa loob ng masaganang dalawampu’t-limang taon ng paghahari, sinikap ni Josaphat na lumakad “ng buong lakad ni Asa na kanyang ama; hindi siya lumiko.”PH 159.1
Sa kanyang pagsisikap na magharing may katalinuhan, inanyayahan ni Josaphat ang kanyang nasasakupan na tumayong matatag laban sa mga pagsamba sa mga diyus-diyusan. Marami sa mga nasasakupan niya ay “naghahain at nagsusunog ng kamangyan sa mga mataas na dako.” 1 Hari 22:43. Hindi agad-agad na sinira ng hari ang mga grotong ito; datapuwat mula sa pasimula ay sinikap niyang isanggalang ang Juda sa mga kasalanang nakita sa kaharian sa hilaga sa ilalim ni Ahab, na kanyang kasabay sa loob ng maraming taon. Si Josaphat ay tapat sa Dios. Kanyang “hindi hinahanap ang mga Baal; kundi hinanap ang Dios ng kanyang ama, at lumakad sa Kanpng mga utos, at hindi ayon sa mga gawa ng Israel.” Dahilan sa kanyang integridad, sumakanp ang Dios, “at itinatag ng Panginoon ang kaharian sa kanyang kamay.” 2 Cronica 17:3-5.PH 159.2
“Ang buong Juda ay nagdala kay Josaphat ng mga kaloob; at siya’y nagkaroon ng mga kapmanan at dangal na sagana. At ang kanyang puso ay nataas sa mga daan ng Panginoon.” Sa pagdaan ng panahon at nagawa ang pagbabago, ang hari ay “inalis niya ang matatas na dako at ang mga Asera sa Juda.” Talatang 5, 6. “At ang nangalabi sa mga Sodomita, na nangalabi sa mga kaarawan ng kanyang ama na si Asa, ay pinaalis niya sa lupain.” 1 Hari 22:46. Sa ganito ay untiunting napalaya ang Juda mula sa maraming panganib na nagbabantang makapagpahinang mainam sa kanilang espirituwal na paglago.PH 159.3
Sa buong kaharian ang bayan ay nangangailangan ng turo tungkol sa utos ng Dios. Sa pagkaunawa ng mga batas na ito nakasalalay ang kanilang kaligtasan; sa pagsang-ayon ng kanilang mga buhay sa mga kahilingan nito ay magiging tapat sila sa Dios at sa kapwa tao. Sa pagkaalam nito, si Josaphat ay kumuha ng mga hakbang upang matiyak na ang bayan ay maturuan tungkol sa Banal na Kasulatan. Ang mga prinsipeng nangangasiwa sa mga bahagi ng kaharian ay inatasang magsaayos ng tapat na paglilingkod ng mga tagapagturong saserdote. Sa utos ng hari ang mga tagapagturong ito, sa ilalim ng tuwirang pangangasiwa ng mga prinsipe, “ay nagsiyaon sa palibot ng lahat na bayan ng Juda, at nangagturo sa gitna ng bayan.” 2 Cronica 17:7-9. At sa dami ng nagsikap na maunawaan ang mga kahilingan ng Dios at iwaksi ang kasalanan, ang isang pagpapasigla ay naisagawa.PH 159.4
Sa matalinong probisyong ito sa pangangailangang espirituwal ng kanyang mga nasasakupan ay utang ni Josaphat ang kanyang kasaganaan bilang pinuno. Sa pagsunod sa kautusan ng Dios ay may malaking pakinabang. Sa pakikiayon sa mga banal na kahilingan ay may kapangyarihang makapagpabago na maghahatid ng kapayapaan at mabuting nasa sa mga tao. Kapag ang mga turo ng salita ng Dios ay ginawang impluwensyang kokontrol sa buhay ng bawat lalaki at babae, kung ang isipan at puso ay madadala sa ilalim ng kapangyarihan nito, ang mga kasamaang nakikita ngayon sa bansa at buhay-sosyal ay hindi mabibigyang puwang. Mula sa bawat tahanan ay lalabas ang implu-wensyang magpapalakas sa pananaw ng espirituwal at moral ng bawat lalaki at babae, at sa ganito ang mga bansa at bawat tao ay malalagay sa mataas na dako.PH 160.1
Sa loob ng maraming taon ay tumahan si Josaphat sa kapayapaan, hindi nagambala ng mga nakapalibot na bansa. “Ang takot sa Panginoon ay nahulog sa lahat ng mga lupain na nangasa palibot ng Juda.” Talatang 10. Mula sa mga Filisteo ay nakatanggap siya ng mga pilak at mga kaloob; mula sa Arabia, malalaking kawan ng tupa at kambing. “Si Josaphat ay dumakilang mainam; at siya’y nagtayo sa Juda ng mga kastilyo, at mga bayang kamaligan.... Lalaking mangdidigma, na mga makapangyarihang lalaking matatapang,... nangaglingkod sa hari, bukod doon sa inilagay ng hari sa mga bayang nakukutaan sa buong Juda.” Talatang 12-19. Pinagpalang masagana sa “kayamanan at dangal,” nagkaroon siya ng malakas na impluwensya sa katotohanan at katuwiran.” 2 Cronica 18:1.PH 160.2
Ilang taon matapos maupo sa trono, si Josaphat, sa tugatog ng kasaganaan, ay pumayag na ang anak niyang si Jehoram, ay mapakasal kay Atalia, na anak ni Ahab at Jezabel. Ang pagsasanib na ito ng Juda at Israel ay hindi utos ng Dios at sa panahon ng krisis ay naghatid ng pinsala sa hari at sa kanyang nasasakupan.PH 160.3
Sa isang pagkakataon ay dinalaw ni Josaphat ang hari ng Israel sa Samaria. Tanging parangal ay ipinagkaloob sa hari mula sa Jerusalem, at bago nagwakas ang pagdalaw na iyon siya ay inamuking makipagalyansa upang labanan ang Syria. Inisip ni Ahab na sa pakikipagalyansa sa Juda ay mababawi niya ang Ramoth, isa sa mga matandang siyudad na kanlungan, na sa kanyang isipan ay pag-aari ng Israel.PH 163.1
Bagaman si Josaphat sa sandali ng kahinaan ay pabiglang nangako sa hari ng Israel na makipagkaisa upang tumulong laban sa Syria, ang kanyang lalong matinong pag-iisip ay umakay sa kanya upang hanapin ang kalooban ng Dios ukol dito. “Mag-usisa ka ngayon, isinasamo ko sa iyo, sa salita ng Panginoon,” kanyang iminungkahi kay Ahab. Sa pagtugon, pinisan ni Ahab ang mga apat na raang huwad na propeta ng Samaria, at nagtanong, “Magsisiparoon ba kami sa Ramoth-galaad upang makipagbaka, o uurong ako?” At sinabi nila, “Umahon ka; sapagkat ibibigay ng Dios sa kamay ng hari.” Talatang 4, 5.PH 163.2
Hindi pa nasisiyahan, si Josaphat ay nagsikap na madyak ang kalooban ng Dios at nagtanong, “Wala ba ritong ibang propeta ng Panginoon, upang tayo’y makapag-usisa sa kanya?” Talatang 6. “May isa pang lalaki, si Micheas na anak ni Imla, na maaari nadng tanungin sa Panginoon,” sumagot si Ahab; “ngunit kinapopootan ko siya; sapagkat hindi siya nanghuhula ng mabuti tungkol sa akin, kundi kasamaan.” 1 Hari 22:8. Matatag si Josaphat sa kahilingan na ang lalaki ng Dios ay matawag; at sa pagharap nito ay sinabihan ni Ahab “huwag magsalita ng anuman sa akin, kundi ng katotohanan sa pangalan ng Panginoon,” sabi ni Micheas: “Aking nakita ang buong Israel na nangangalat sa mga bundok, na gaya ng mga tupa na walang paston at sinabi ng Panginoon, Ang mga ito ay walang panginoon: umuwi ang bawat lalaki sa kanyang bahay na payapa.” Talatang 16, 17.PH 163.3
Ang mga salitang ito ng propeta ay sapat na sana upang maunawaan ng dalawang hari na hindi sinasang-ayunan ng Langit ang kanilang proyekto, datapuwat hindi nila dininig ang babala. Naihanay na ni Ahab ang kanyang panukala, at determinado siyang isagawa ito. Si Josaphat naman ay nakapagbigay ng kanyang salitang marangal, “Kami ay sasaiyo sa pakikipagdigma;” at nang makapangako’y nag-atubiling pabalikin pa ang kanyang puwersa. 2 Cronica 18:3. “Sa gayo’y ang hari sa Israel, at si Josaphat na hari sa Juda ay nagsiahon sa Ramothgalaad.” 1 Hari 22:29.PH 163.4
Sa pakikipagbaka, si Ahab ay tinamaan ng palaso, at sa paglubog ng araw ay namatay. “At nagkaroon ng hiyawan sa buong hukbo sa may paglubog ng araw, na nagsasabi,” “Bawat lalaki ay sa kanyang bayan, at bawat lalaki ay sa kanyang lupain.” Talatang 36. Sa gayon ay natupad ang salita ng propeta.PH 164.1
Mula sa mapaminsalang digmaang ito si Josaphat ay nagbalik sa Jerusalem. Sa paglapit niya sa siyudad ay nilapitan siya ng propetang Jehu taglay ang batikos: “Tutulungan mo ba ang mga masama, at mamahalin yaong mga napopoot sa Panginoon? dahil sa bagay na ito ay kapootan ang sasaiyo na mula sa harap ng Panginoon. Gano'n man ay may mabuting mga bagay na nasumpungan sa iyo, sa iyong pag-aalis ng mga Asera sa lupain, at inilagak mo ang iyong puso upang hanapin ang Dios.” 2 Cronica 19:2, 3.PH 164.2
Ang mga huling taon ni Josaphat ay ginugol sa pagpapalakas sa bansa at sa esprituwal na kalagayan ng Juda. Siya’y “lumabas muli sa gitna ng bayan na mula sa Beer-seba hanggang sa lupaing maburol ng Ephraim, at ibinalik niya sila sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang.” Talatang 4.PH 164.3
Isa sa mahalagang hakbang ng hari ay ang pagtatatag at pananatili ng sistema ng mga korte ng hustisya. At siya’y “naglagay ng mga hukom sa lupain sa lahat na bayang nakukutaan ng Juda, sa bayan at bayan;” at sinabi sa mga hukom: “Buhayin ninyo kung ano ang inyong ginagawa: sapagkat hindi kayo nagsisihatol ng dahil sa tao, kundi dahil sa Panginoon, at siya’y sumasainyo sa kahatulan. Ngayon nga’y sumainyo nawa ang takot sa Panginoon; magsipag-ingat kayo at inyong gawin: sapagkat walang kasamaan sa Panginoon nating Dios, o tumanggi man sa mga tao, o tumanggap man ng mga suhol.” Talatang 5-7.PH 164.4
Ang sistema ng hustisya ay pinasakdal pa ng isang korte ng apila sa Jerusalem, na doon ay “naglagay si Josaphat sa Jerusalem ng ilan sa mga Levita, at sa mga saserdote, at sa mga pangulo sa mga sambahayan ng mga magulang ng Israel, dahil sa kahatulan ng Panginoon, at sa mga pagkakaalitan.” Talatang 8.PH 164.5
Pinayuhan ng hari ang mga hukom na ito na maging tapat. Wika niya, “Ganito ang inyong gagawin, sa takot sa Panginoon, na may pagtatapat, at may sakdal na puso.” “At anumang kaalitan ang dumating sa inyo na mula sa dugo’t dugo, kautusan at utos, mga palatuntunan at mga kahatulan, ay inyong papayuhan sila, upang sila’y huwag maging salarin sa Panginoon, at sa gayo’y kapootan ay huwag dumating sa inyo, at sa inyong mga kapatid: ito’y inyong gawin, at kayo’y hindi magiging salarin.PH 165.1
“At, narito, si Amarias na punong saserdote ay nasa inyo sa lahat ng bagay ng Panginoon; at si Zebadias na anak ni Ismael, na tagapamahala sa sambahayan ni Juda, sa lahat ng mga bagay ng hari: ang mga Levita rin naman ay magiging mga pinuno sa harap ninyo.PH 165.2
“Gawin ninyong may katapangan at ang Panginoon ay sumasamabud nawa.” Talatang 9-11.PH 165.3
Sa kanyang maingat na pagbabantay sa mga karapatan ng kanyang mga nasasakupan, si Josaphat ay nagdiin ng isipang ang bawat kaanib ng sambahayan ng tao ay tumatanggap mula sa Dios ng katarungan, na mangungulo sa lahat. “Ang Dios ay tumatayo sa kapisanan ng Dios; Siya’y humahatol sa gitna ng mga diyos.” At yaong piniling mga hukom sa pamumuno Niya, ay dapat “hatulan ang dukha at ulila;” “sagipin ang dukha at mapagkailangan,” at “iligtas sila sa kamay ng masasama.” Awit 82:1, 3, 4.PH 165.4
Sa pagtatapos ng paghahari ni Josaphat ang kaharian ng Juda ay nilusob ng isang hukbong nagbigay takot sa bayan. “Ang mga anak ni Moab, at ang mga anak ni Ammon, at pati ng iba sa mga Ammonita, ay naparoon laban kay Josaphat upang makipagbaka.” Nang magkagayo’y nagsiparoon ang iba na nagsipagsaysay kay Josaphat, na nagsasabi, “May lumalabas na isang lubhang karamihan laban sa iyo na mula sa dako roon ng dagat na mula sa Syria; at, narito, sila’y nangasa Hasason-tamar, na siyang Engedi.” 2 Cronica 20:1, 2.PH 165.5
Si Josaphat ay lalaking matapang at magiting. Sa maraming taon ay pinalalakas niya sa siyudad at mga tanggulan nito. Handa siya upang harapin ang halos kahit na sinong kaaway; ngunit sa tanawing ito ay hindi siya nagtiwala sa lakas ng bisig ng tao. Wala sa hukbong disiplinado o sa tibay ng tanggulan ng siyudad, kundi sa buhay na pananampalataya sa Dios ng Israel, na matatamo ang tagumpay sa mga paganong ito na nagmamayabang sa kapangyarihang pababagsakin ang Juda sa harap ng mga bansa.PH 165.6
“At si Josaphat ay natakot, at tumalagang hanapin ang Panginoon, at siya’y nagtanyag ng ayuno sa buong Juda. At ang Juda’y nagpipisan, upang huminging tulong sa Panginoon: sa makatuwid baga’y mula sa lahat na bayan ng Juda ay nagsiparoon upang hanapin ang Panginoon.”PH 166.1
Nakatayo sa korte ng templo sa harap ng bayan, si Josaphat ay maningas na dumalangin, nagsumamo sa mga pangako ng Dios, at ikinumpisal ang kawalang lakas ng Israel. At kanyang sinabi, “Oh Panginoon, na Dios ng aming mga magulang,” kanyang isinamo, “di ba Ikaw ay Dios sa langit? at di ba Ikaw ay puno sa lahat na kaharian ng mga bansa? at nasa Iyong kamay ang kapangyarihan at lakas, na anupa’t walang makakaharap sa Iyo. Di Mo ba pinalayas, Oh aming Dios, ang mga nananahan sa lupaing ito sa harap ng Iyong bayang Israel, at Iyong ibinigay sa binhi ni Abraham na Iyong kaibigan magpakailanman? At nagsitahan sila roon at ipinagtayo Ka ng santuwaryo roon na ukol sa Iyong pangalan, na sinasabi, Kung ang kasamaan ay dumadng sa amin, ang tabak ng kahatulan, o salot, o kagutom, kami ay magsisitayo sa harap ng bahay na ito, at sa harap Mo, (sapagkat ang Iyong pangalan ay nasa bahay na ito,) at kami ay dadaing sa Iyo sa aming pagdadalamhati, at kami ay Iyong didinggin at ililigtas.PH 166.2
“At ngayon, narito, ang mga anak ni Ammon at ni Moab at ng sa Bundok ng Seir, na hindi Mo ipinalusob sa Israel, nang sila’y magsilabas sa lupain ng Egipto, kundi kanilang nilikuan sila, at hindi sila nilipol; tingnan Mo, kung paanong sila’y gumaganti sa amin na nagsisiparito upang palayasin kami sa Iyong pag-aari, na Iyong ibinigay sa amin upang manahin. Oh aming Dios, hindi Mo ba hahatulan sila? sapagkat wala kaming kaya laban sa malaking pulutong na ito na naparirito laban sa amin; ni hindi man nalalaman namin kung anong marapat gawin: ngunit ang aming mga mata ay nasa Iyo.” Talatang 3-12.PH 166.3
Palagay-loob na masasabi ni Josaphat sa Panginoon, “Ang aming mga mata ay nasa Iyo.” Sa maraming taon ay tinuruan niya ang bayang manalig sa Isa sa nagdaang mga panahon ay malimit na nagliligtas sa Kanyang mga pinili mula sa pagkawasak; at ngayon, nang ang kaharia’y nasa panganib, si Josaphat ay di nag-iisa; “ang buong Juda ay tumayo sa harap ng Panginoon, pati ang kanilang mga bata, ang kanilang mga asawa, at ang kanilang mga anak.” Talatang 13. May pagkakaisang nag-ayuno sila at nanalangin; nagkakaisang hiniling sa Panginoon na guluhin ang mga kaaway, upang ang pangalan ni Jehova ay maluwalhati.PH 166.4
“Oh Dios, huwag Kang tumahimik:
Huwag Kang mapayapa, at tumiwasay, Oh Dios.
Sapagkat, narito, ang mga kaaway Mo’y nanggugulo:
At silang nangagtatanim sa Iyo ay nangagtaas ng ulo.
Sila’y nagsisitanggap ng payong may katusuhan laban
sa Iyong bayan,
At nangagsanggunian laban sa Iyong nangakakubli.
Kanilang sinabi, Kayo’y panto, at atin silang
ihiwalay sa pagkakabansa;
Upang ang pangalan ng Israel ay huwag nang maalaala pa.
Sapagkat sila’y nangagsangguniang magkakasama na
may isang pagkakaayon:
Laban sa Iyo ay nangagtitipanan:
Ang mga tolda ng Edom, at ng mga Ismaelita;
Ang Moab at ang mga Agareno;
Ang Gebal, at ang Ammon, at ang Amalec....
Gumawa Ka sa kanila ng gaya sa Madianita;
Gaya by Sisara, gaya kay jabin, sa ilog ng Cison:...
Mangapahiya sila, at manganglupaypay magpakailanman;
Oo, mangahiya sila, at mangalipol:
Upang kanilang maalaman na Ikaw lamang,na
ang pangalan ay Jehova,
Ay Kataastaasan sa buong lupa.” Awit 83.PH 167.1
Sa pakikisama ng buong bayan sa haring magpakumbaba sa Dios, at paghingi sa Kanya ng tulong, ang Espiritu ng Panginoon ay suma kay Jahaziel, “isang Levitang anak ni Asaph,” at nagwika siya:PH 167.2
“Dinggin ninyo, buong Juda, at ninyong mga taga Jerusalem, at ikaw na Haring Josaphat, Ganito ang sabi ng Panginoon sa inyo, Huwag kayong mangatakot o manglupaypay man dahil sa malaking karamihang ito; sapagkat ang pakikipagbaka ay hindi inyo, kundi sa Dios. Bukas ay magsilusong kayo laban sa kanila: narito, sila’y nagsiahon sa ahunan ng Sis; at inyong masusumpungan sila sa dulo ng libis, sa harap ng ilang ng Jeruel. Kayo’y hindi magkakailangan na makipaglaban sa pagbabakang ito: magsilagay kayo, magsitayo kayong panatag, at tingnan ninyo ang pagliligtas ng Panginoon na kasama ninyo, Oh Juda at Jerusalem: huwag kayong mangatakot, o manganglupaypay man; bukas ay magsilabas kayo laban sa kanila: sapagkat ang Panginoon ay sumasa inyo.”PH 167.3
“Itinungo ni Josaphat ang kanyang ulo sa lupa: at ang buong Juda at ang mga taga Jerusalem ay nangagpatirapa sa harap ng Panginoon, na nagsisamba sa Panginoon. At ang mga Levita, sa mga anak ng mga Coathita, at sa mga anak ng mga Coraita, ay nagsitayo upang punhin ang Panginoon, ang Dios ng Israel ng totoong malakas na tinig.”PH 168.1
Sila’y nagsibangong maaga sa kinaumagahan, at nagsilabas sa ilang ng Tecoa. At habang sila’y nagsisilabas, si Josaphat ay tumayo, at nagsabi, “Dinggin ninyo ako, Oh Juda, at ninyong mga taga Jerusalem; sumampalataya kayo sa Panginoon ninyong Dios, sa gayo’y matatatag kayo; sumampalataya kayo sa Kanyang mga propeta, sa gayo’y giginhawa kayo.” “At nang siya’y makakuhang payo sa bayan, kanyang inihalal sa kanila ang magsisiawit sa Panginoon at magsisipuri sa ganda ng kabanalan.” 2 Cronica 20:14-21. Ang mga mang-aawit na ito ay nauuna sa hukbo, nagtataas ng kanilang mga tinig sa pagpupuri sa Dios sa pangakong tagumpay.PH 168.2
Isang kakaibang paraan ng pagharap sa digmaang ito—nagpupuri sa Dios sa awitan, at pinararangalan ang Dios ng Israel. Ito ang kanilang awit ng paldkidigma. Taglay nila ang kagandahan ng kabanalan. Kung higit na pagpupuri sa Dios ay naisasagawa ngayon, higit sanang pag-asa at tapang at pananampalataya ang makikita. At hindi baga ito magpapalakas ng mga kamay ng mga sundalong ngayon ay matapang na tumatayo sa pagsasanggalang ng katotohanan?PH 168.3
“Ang Panginoon ay naglagay ng mga bakay laban sa mga anak ni Ammon, ni Moab, at ng sa bundok ng Seir, na nagsiparoon laban sa Juda; at sila’y nangasugatan. Sapagkat ang mga anak ni Ammon at ni Moab ay nagsitayo laban sa mga taga bundok ng Seir, upang lubos na magsipatay at lipulin sila: at nang sila’y makatapos sa mga taga bundok ng Seir, bawat isa’y tumulong na lumipol sa iba.PH 168.4
“At nang ang Juda ay dumatmg sa bantayang moog sa ilang, sila’y nagsitingin sa karamihan, at, narito, mga bangkay na nangakabuwal sa lupa, at walang nakatanan.” Talatang 22-24.PH 168.5
Ang Dios ang kalakasan ng Juda sa krisis na ito, at Siya rin ang kalakasan ng Kanyang bayan ngayon. Hindi tayo dapat magtiwala sa mga prinsipe, o magtaas ng mga tao sa lugar ng Dios. Dapat tandaang ang mga tao ay mahina at nagkakamali, at Siya na taglay ang lahat ng kapangyarihan ang ating matibay na moog na tanggulan. Sa bawat kagipitan ay dapat madamang ang digmaan ay Kanya. Ang mga kayamanan Niya ay walang sukat, at ang nakikitang kahirapan ay magpapatamis sa tagumpay.PH 168.6
“Iligtas Mo kami. Oh Dios ng aming kaligtasan,
At pisanin Mo kami,
At iligtas Mo kami sa mga bansa,
Upang kami ay pasalamat sa Iyong banal na pangalan,
At magtagumpay sa Iyong kapurihan.” 1 Cronica 16:35.PH 169.1
Taglay ang mga samsam, ang hukbo ng Juda ay “bumalik sa Jerusalem na may kagalakan; sapagkat sila’y pinagkatuwa ng Panginoon sa kanilang mga kaaway. At sila’y nagsiparoon sa Jerusalem na may mga salterio at mga alpa at mga pakakak sa bahay ng Panginoon.” 2 Cronica 20:27, 28. Dakila ang dahilan ng kanilang kagalakan. Sa pagsunod sa utos na, “Magsitayo kayong panatag, at tignan ninyo ang pagliligtas ng Panginoon:... huwag kayong mangatakot, o manganglupaypay man,” nanalig sila ng buong puso sa Dios, at Kanyang pinatunayang Siya ang kanilang tanggulan at kalakasan. Talatang 17. Ngayon ay maaawit nila ang awit ni David na may pagkaunawa:PH 169.2
“Ang Dios ay ating ampunan at kalakasan,
Handang saklolo sa kabagabagan....
Kanyang binabali ang busog, at pinuputol ang sibat;
Kanyang sinusunog ang mga karo sa apoy.
Kayo ay magsitigil at kilalanin ninyo na Ako ang Dios:
Ako’y mabubunyi sa gitna ng mga bansa, Ako’y mabubunyi sa lupa.
Ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa atin;
Ang Dios ni Jacob ay ating kanlungan.” Awit 46.
PH 169.3
“Kung ano ang Iyong pangalan, Oh Dios,
Gayon ang pagpuri sa Iyo hanggang sa mga
wakas ng lupa;
Ang Iyong kanan ay puspos ng katuwiran.
Matuwa ka bundok ng Sion,
Magalak ang mga anak na babae ng Juda,
Dahil sa Iyong mga kahatulan...
“Ang Dios na ito ay ang ating Dios magpakailanman:PH 169.4
Siya’y magiging ating patnubay hanggang sa kamatayan.” Awit 48:10-14PH 170.1
Sa pamamagitan ng pananampalataya ng hari ng Juda at ng kanyang mga sundalo “ang takot sa Dios ay napasa lahat na kaharian ng mga lupain, nang kanilang mabalitaang ang Panginoon ay nakipaglaban sa mga kaaway ng Israel. Sa gayo’y ang kaharian ni Josaphat ay natahimik: sapagkat binigyan siya ng kanyang Dios ng kapahingahan sa palibot.” 2 Cronica 20:29, 30.PH 170.2