Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Pinili Upang Maligtas , Pebrero 2

    Ayon sa pagkapili Niya sa atin sa Kanya bago itinatag ang sanlibutan, upang tayo'y maging banal at walang dungis sa harapan Niya sa pag-ibig. Efeso 1:4.TKK 40.1

    Dapat tayong manampalataya na tayo'y pinili ng Diyos upang maligtas sa pamamagitan ng paggamit sa pananampalataya, sa pamamagitan ng biyaya ni Cristo at ng paggawa ng Banal na Espiritu; at dapat nating purihin at luwalhatiin ang Diyos dahil sa ganong kahanga-hangang paghahayag ng Kanyang kabutihang hindi karapat-dapat sa atin. Pag-ibig ng Diyos ang nagpapalapit sa kaluluwa kay Cristo para buong kabaitang tanggapin at iharap sa Kanyang Ama. Sa pamamagitan ng paggawa ng Banal na Espiritu, napapanibago ang banal na relasyon sa pagitan ng Diyos at ng makasalanan. Sinasabi ng ating Ama sa langit, “Ako'y magiging Diyos sa kanila, at sila'y magiging isang bayan sa Akin. Ako'y magpapakita ng nagpapatawad na pag-ibig sa kanila, at ipagkakaloob sa kanila ang Aking kagalakan. Sila'y magiging bukud-tanging kayamanan sa Akin; sapagkat ang bayang ito na Aking nilikha para sa Aking sarili ay magpapahayag ng Aking kapurihan” (tingnan ang Jeremias 30:22; 31:1, 33; Exodo 19:5).TKK 40.2

    Tinatawagan ni Cristo ang mga kaluluwa na lumapit sa Kanya, at para sa ikabubuti natin sa kasalukuyan at sa walang hanggan ang makinig at tumugon sa panawagan. Sabi ni Jesus, “Ako'y hindi ninyo pinili, ngunit kayo'y pinili Ko” (Juan 15:16). Kung gayo'y tumugon sa paanyaya ni Cristo ang lahat ng gustong tawaging anak ng Diyos, at ilagay ang kanilang sarili kung saan sila masisikatan ng liwanag ng kalangitan, kung saan nila mauunawaan kung paano maging tagapakinig at tagasunod sa mga salita ni Cristo, at anong ibig sabihin ng sumunod sa Ilaw ng sanlibutan, at tanggapin sa Minamahal.TKK 40.3

    Lahat ng puwedeng magawa ng Diyos para sa ikaliligtas ng tao ay nagawa na. Sa isang mayamang regalo ay ibinuhos Niya ang mga kayamanan ng langit. Siya'y nag-aanyaya, nagsusumamo, humihimok; pero hindi Siya mamimilit na lumapit sa Kanya ang mga tao. Naghihintay Siya para sa pakikipagtulungan nila. Hinihintay Niya ang pagpayag ng kalooban, upang maibigay Niya sa makasalanan ang kayamanan ng Kanyang biyaya, na nakalaan sa kanya mula pa nang itatag ang sanlibutan Hindi balak ng Diyos na maparalisa ang kapangyarihan ng tao; kundi sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa Diyos, ang tao ay maaaring maging mas mabisang instrumento sa Kanyang mga kamay.... Iniaabot ng Panginoon sa tao ang pribilehiyo ng pakikipagpartner sa Kanya.— THE MESSENGER, April 26,1893 .TKK 40.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents