Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    May mga Sisidlang Walang Laman, Abril 12

    “Ngunit taglay namin ang kayamanang ito sa mga sisidlang-lupa, upang ipakita na ang nag-uumapaw na kapangyarihan ay mula sa Diyos, at hindi mula sa amin,” 2 Corinto 4:7.TKK 111.1

    Minsan nang naitanong: Anong uri ng mga sisidlan ang ginagamit ng Espiritu? Ano ang sabi ni Cristo?—“Lumapit kayo sa Akin, kayong lahat na nanlulupaypay at lubhang nabibigatan at kayo'y bibigyan Ko ng kapahingahan. Pasanin ninyo ang Aking pamatok, at matuto kayo sa Akin; sapagkat Ako'y maamo at may mapagpakumbabang puso at makakatagpo kayo ng kapahingahan para sa inyong mga kaluluwa. Sapagkat madaling dalhin ang Aking pamatok at magaan ang Aking pasan” (Mateo 11:28-30). Anong uri ng mga sisidlan ang angkop gamitin ng Panginoon?— Mga sisidlang walang laman. Kapag naibuhos na natin ang bawat karumihan ng kaluluwa, handa na tayong magamit.TKK 111.2

    Naibuhos na ba ang ating mga sarili? Nagamot na ba ang makasarili nating pagpapanukala? O, sana'y mabawasan ang ating kaabalahan sa sarili! Nawa'y dalisayin ng Panginoon ang Kanyang bayan, mga tagapagturo, at mga iglesya. Nagbigay Siya ng alituntunin para magabayan ang lahat, at mula rito'y hindi dapat lumihis sa pagwawalang-bahala. Ngunit nagkaroon noon, at hanggang ngayon, ng paglihis mula sa mga makatuwirang prinsipyo. Gaano katagal pang mananatili ang ganito? Paano tayo magagamit ng Panginoon bilang mga sisidlan para sa banal na paglilingkod malibang ibuhos natin ang ating mga sarili at bigyang-puwang ang paggawa ng Kanyang Espiritu?TKK 111.3

    Tinatawagan ng Diyos ang Kanyang bayang ipahayag Siya. Magpapakita ba ang sanlibutan ng mga prinsipyo ng katapatang ni hindi iniingatan ng iglesya? Magpapakita ba ng makasariling ambisyong maging una ang mga tagasunod ni Cristo? Hindi ba nila ilalagak ang mga prinsipyong iniingatan nila sa tunay na pundasyong si Cristo Jesus? Ano ang ilalagay natin sa pundasyong ito, upang hindi na magkaroon ng salungatan, kundi pagkakaisa, sa iglesya? Maglalagay ba tayo rito ng kahoy, dayami, pinaggapasan? Hindi ba dapat na pinakamahalagang materyales ang dapat nating dalhin—ginto, pilak, mahahalagang hiyas? Hindi ba't dapat nating makilala ang pagkakaiba ng ipa sa trigo? Hindi ba't dapat nating maunawaan na kailangan nating tanggapin ang Banal na Espiritu sa ating mga puso, upang hulmahin at ayusin nito ang buhay?TKK 111.4

    Nabubuhay tayo sa mapanganib na kapanahunan. Sa takot sa Diyos, nais kong sabihing kailangan ang tamang pagpapaliwanag ng Kasulatan para sa maayos na moral na paglilinang ng ating mga karakter. Kapag kumikilos ang Banal na Espiritu sa isip at sa puso, kapag namatay na ang sarili, nagagawa ng katotohanan na patuloy na lumawig at magkaroon ng panibagong paglago. Kapag hinuhulma ng katotohanan ang ating mga karakter, makikita talaga ito bilang katotohanan.— REVIEW AND HERALD, February 28,1899.TKK 111.5

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents