Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
Tatanggap Kayo Ng Kapangyarihan - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Nabago ang Puso, Pebrero 9

    “Bibigyan Ko kayo ng bagong puso, at lalagyan Ko kayo ng bagong espiritu sa loob ninyo, Aking aalisin ang batong puso sa inyong laman, at Aking bibigyan kayo ng pusong laman, Aking ilalagay ang Aking Espiritu sa loob ninyo, at palalakarin Ko kayo nang ayon sa Aking mga tuntunin, at magiging maingat kayo sa pagsunod sa Aking mga batas,” Ezekiel 36:26,27,TKK 47.1

    Puwedeng maging tirahan ng Banal na Espiritu ang puso ng tao. Maaaring manatili sa iyong kaluluwa ang kapayapaan ni Cristo na hindi maabot ng pag-iisip, at puwedeng gumawa sa buhay mo ang bumabagong kapangyarihan ng Kanyang biyaya, at iangkop ka sa mga bulwagan ng kaluwalhatian. Pero kung ang utak at ugat at kalamnan ay pawang gagamitin para paglingkuran ang sarili, hindi mo ginagawang unang konsiderasyon sa buhay mo ang Diyos at ang kalangitan. Imposibleng maihabi ang mga biyaya ni Cristo sa iyong karakter samantalang inilalagay mo ang lahat mong enerhiya sa panig ng sanlibutan.TKK 47.2

    Baka matagumpay ka nga sa pagtitipon ng mga kayamanan sa lupa, para sa kaluwalhatian ng sarili; pero “kung nasaan ang iyong kayamanan, naroon din naman ang iyong puso” (Mateo 6:21). Magiging pangalawa lamang sa importansya ang mga bagay na pangwalang-hanggan. Puwede kang makibahagi sa mga panlabas na anyo ng pagsamba; pero ang paglilingkod mo ay magiging kasuklam-suklam sa Diyos ng kalangitan. Hindi ka puwedeng maglingkod sa Diyos at sa kayamanan. Alinman sa isuko mo ang puso mo at ilagay ang kalooban mo sa panig ng Diyos, o kaya'y ibigay mo ang iyong kalakasan sa paglilingkod sa sanlibutan. Hindi tumatanggap ang Diyos ng hating paglilingkod.TKK 47.3

    “Ang ilawan ng katawan ay ang iyong mata. Kung malusog ang iyong mata, ang buong katawan mo ay puno ng liwanag. Subalit kung ito'y hindi malusog, ang katawan mo ay puno ng kadiliman” (Lucas 11:34). Kung malusog ang iyong paningin, kung ito'y nakatuon palangit, pupunuin ng liwanag ng kalangitan ang kaluluwa, at magmumukhang walang kabuluhan at hindi kaakit-akit ang mga bagay sa lupa. Mababago ang layunin ng puso, at ang payo ni Jesus ay susundin. Titipunin mo ang iyong mga kayamanan sa langit. Matutuon ang iyong mga iniisip sa malalaking gantimpala ng walang-hanggan. Gagawin mo ang lahat mong panukala batay sa hinaharap na walang-hanggang buhay. Mapapalapit ka sa iyong kayamanan. Hindi mo pag-aaralan ang makalupa mong interes; kundi sa lahat mong gagawin, ang tahimik mong tanong ay “Panginoon, ano po ang gusto Mong gawin ko?” (Gawa 9:6).— REVIEW AND HERALD, January 24,1888.TKK 47.4

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents