Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
PAGLAPIT KAY KRISTO - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Tagatulad ni kristo

    Ang kaibig-ibig na likas ni Kristo ay makikita sa mga sumusunod sa Kanya. Naging kaluguran ni Kristo ang gawin ang kalooban ng Diyos. Ang pag-ibig sa Diyos, ang sikap na ikaluluwalhati ng Diyos, ay siyang kapangyarihang naghahari sa kabuhayan ng ating Tagapagligtas. Pag-ibig ang nagpaganda at nagparangal sa lahat Niyang mga kilos. Ang pag-ibig sa Diyos, ang sikap na ikaluluwalhati ng Diyos, ay siyang kapangyarihang naghahari sa kabuhayan ng ating Tagapagligtas. Pag-ibig ang nagpaganda at nagparangal sa lahat Niyang mga kilos. Ang pag-ibig ay sa Diyos. Ang pusong hindi natatalaga sa Diyos ay hindi makapagpapasimula o makalilikha ng pag-ibig. Natatagpuan ito sa puso lamang na pinaghaharian ni Jesus. “Tayo’y nagsisiibig, sapagka’t Siya’y unang umibig sa atin.” 1 Juan 4:19. Sa pusong pinapagbago ng banal na biyaya ay pag-ibig ang diwang nangingibabaw. Ito ang nagbabago ng likas, nangingibabaw sa mga simbuyo ng damdamin, nagpapasuko sa pakikialit at nagpapaging marangal sa pag-ibig. Ang pag-ibig na ito, pagka iniimpok sa puso, ang nagpapatamis sa kabuhayan, at nagdudulot ng lumilinang na impluensiya sa buong palibot.PK 82.1

    Mayroong dalawang kamalian na dapat pakalayulayuan ang mga anak ng Diyos—lalo na yaong mga bago pa lamang na nagtitiwala sa Kanyang biyaya—dapat silang magpakaingat. Ang una, na naipaliwanag na, ay ang pag-asa sa sarili nilang mga gawa, at pagtitiwala sa anuman nilang magagawa, upang maisang-ayon sa Diyos ang kanilang sarili. Ang nagsisikap na magbanal sa pamamagitan ng kanyang sariling mga gawang pagtupad ng kautusan, ay gumagawa ng isang bagay na hindi maaari. Lahat ng magagawa ng tao, kung siya’y hiwalay kay Kristo, ay nababalot ng dungis na kasakiman at kasalanan. Biyaya lamang ni Kristo sa pamamagitan ng pananampalataya, ang makapagpapabanal sa atin.PK 82.2

    Ang kamaliang katuwas nito at kasing panganib din, ay ang paniniwalang ang pagsampalataya kay Kristo ay nagbibigay ng kalayaan sa tao upang huwag na nilang sundin ang kautusan ng Diyos; na yamang sa pamamagitan lamang ng pananampalataya ay tumtanggap na tayo ng biyaya ni Kristo, ang ating mga gawa ay walang anumang kinalaman sa pagtubos sa atin.PK 83.1

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents