Loading...
Larger font
Smaller font
Copy
Print
Contents
PAGLAPIT KAY KRISTO - Contents
  • Results
  • Related
  • Featured
No results found for: "".
  • Weighted Relevancy
  • Content Sequence
  • Relevancy
  • Earliest First
  • Latest First
    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents

    Gamitin ang pag-iisip

    Ibig ng Diyos na gamitin ng tao ang kapangyarihan niyang mangatuwiran; at ang pag-aaral ng Biblia ang magpapalakas at magpapadakila sa isip na hindi magagawa ng alin mang ibang pag-aaral. Datapuwa’t pakaingatan nating huwag gawing diyos ang pangangatuwiran, sapagka’t iyan ay may kahinaan at karupukan na likas ng katauhan. Kung ayaw tayo na ang Banal na Kasulatan ay maging malabo sa ating pang-unawa, na anupa’t hindi natin maunawaan ang napakalinaw na katotohanan, ay dapat tayong magkaroon ng kasimplihan at pananampalataya ng isang maliit na bata, handang mag-aral, at humingi ng tulong ng Banal na Espiritu. Ang ating pagkakilala sa kapangyarihan at karunungan ng Diyos, at sa ating kawalan ng kaya upang maunawa ang Kanyang kadakilaan, ay siyang dapat magbigay sa atin ng kapakumbabaan, at dapat nating buksan ang Kanyang salita na gaya ng tayo’y lumalapit sa Kanyang harapan na taglay ng banal na takot. Paglapit natin sa Biblia, ay dapat kumilala ang pangangatuwiran sa isang kapangyarihang mataas kaysa sarili, at ang puso at dunong ay dapat na lumuhod sa dakilang AKO NGA.PK 153.2

    Larger font
    Smaller font
    Copy
    Print
    Contents